A/N:hello guys please comment naman po kayo ng nakaka inspired na message.
Vote and Follow are highly appreciated!
____________________________________Drixon Pov.
Maaga akong nagpunta sa school dahil may mahalaga pa akong gagawin ngayon. Masyado pang maaga at kukunti pa lang ang mga students ngayon. Naglalakad ako sa hallway habang pasipol-sipol.
'Di ko alintana ang mga nagtitilian at nagbubulungan. Cool na cool akong naglalakad patungo sa locker namin, inilagay ko muna ang ibang gamit ko sa locker pagkatapos ay muling naglakad.
Pumunta ako sa locker ng mga girls separate kasi ang locker ng mga boys sa girls. Nakangiti akong naglalakad papalapit sa locker nila.
Alam ko na ang number ng locker niya kasi tinawagan ko kahapon si Tita Zarraga ang Dean namin. Tinanong ko kung ano ang number ng locker ni Panget. Buti na lang binigay ni Tita ng hindi nagtatanong kung bakit.
Humanda talaga sa akin ang panget na 'yon.
Nang makarating ako sa locker nila ay wala pang tao. Lalo akong napangiti
Kasi walang makakakita sa 'kin ngayon.Agad kong hinanap ang number ng locker niya at nang makita ay nagpapalinga linga muna ako sa paligid. At nang masigurong walang tao ay agad kong binuksan at may iilan siyang gamit dito. Agad kong binuksan ang dala kong box saka inilagay sa loob ng locker niya ang daga pagkatapos ay sinirado ko ulit.
Cool na akong naglakad paalis habang nakangiti. Tingnan natin ang reaction mo panget. Alam kong sa takot mo mamaya pagbukas ng locked mo, eh pagtatawanan ka.
Ang galing ko talagang gumawa ng pang ganti sa'yo. Dumeretso na muna ako sa cafeteria para kumain. Hindi na kasi ako nag breakfast kanina dahil nagmamadali akong pumunta dito sa school. Agad na akong pumasok at hindi inalintana ang mga ingay sa paligid.
Excited na ako sa mangyayari mamaya hahahaha. Agad akong nag order pagkatapos ay kumain na.
Maya-maya dumating sila Keart, Keith at Lyle. Agad silang umupo sa harap ko.
"Aga mo ata, dude?" tanong pa ni Lyle.
"Oo nga himala, ah!" sabi pa ni Keith.
"Simula ata no'ng nangyari sa inyo ni Trixie ay ngayon ka lang uli maagang pumunta ng school." nagtatakang sabi pa ni Keart.
Tse! Walang basagan ng trip mga, dre tse!
"May importante lang akong ginawa." nakangiting sabi ko pa.
"At talagang masaya ka pa, ah." sabi naman ni Keart.
"Syempre!" sagot ko.
"Ano bang ginawa mo?" takang tanong pa ni Lyle.
"Malalaman niyo mamaya." nakangiting sabi ko.
"Tss! May pa mamaya-maya ka pang nalalaman, sabihin mo na lang kasi." pagpipilit ni Keart.
"Mamaya na malalaman niyo rin, 'wag kayong excited." sabi ko pa saka tumawa.
"Wow! Dre! Tumatawa-tawa ka pa, ahh!" sabi naman ni Keith.
"Basta mamaya na." sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Novela JuvenilAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...