chapter 80 "Panda"

175 20 1
                                    

A/N: Do enjoy reading!

Ashi Vhon Pov.

Tutok na tutok kami sa paglalaro at hindi alintana ang mga tao sa paligid namin.

Kanina pa sila nagsisigawan, nagbubulungan at nagtitilian pero hindi namin sila pinansin. Ngingisi- ngisi akong naglalaro habang kono-control 'yong controller.

Nakarinig uli ako ng mga bulungan at tilian. Alam kong hindi na sa 'min 'yon psh!

Mabilis ko lang na ginagalaw-galaw ang controller dahilan para maubos ko agad 'yong mga kalaban ko.

Napatingin ako sa computer ko. Kahit hindi ko masiyading nakita kung sino ang nasa likod ko na halatang gulat na gulat sa paglalaro!

Lagi na lang ata nagugulat ang isang to tsk tsk!

"Tsk!" singhal ko pa dahilan para makita ko uling nanlaki ang mga mata niya tsk!

Nanatili akong tutok sa paglalaro nang makita kong bahagya siyang tumagilid para silipin ako psh!

Ang Bisugong to talaga tsk tsk!

Kita sa gilid ng mata ko na hindi sila napansin no'ng dalawa. Natawa na lang ako sa isip ko.

Nang biglang....

"Panget!"

"Xandra!"

"Kyla!"

Halos sabay-sabay na banggit nila sa pangalan namin.

Nahinto naman sa paglalaro 'yong dalawa at gulat na napatingin sa likod nila. Nanatili akong naglalaro at hindi pinansin si Bisugo sa gilid ko psh!

Natapos na lang ako sa paglalaro ay hindi ko pa rin pinapansin 'yong nasa gilid ko. Batid kong gulat pa rin ito tsk tsk!

Wala namang nakakagulat psh!

Ngingisi-ngisi kong kinuha ang mga ticket ko at binilang ito.

Mukhang marami-rami akong mabibili nito, ahh!

"Naglalaro kayo nito?" rinig kong gulat pang tanong ni Keart.

Napatingin ako sa gawi nila.

Nakatayo pa rin sila sa likod nila Kyla at Xandra.

"Hindi. Kaya nga ubos lahat ng kalaban, eh!" pabalang na sagot ni Xandra.

Tsk!

"A-ahh, oo naman, hehehe." pilit tawang sabi pa ni Kyla psh!

"Akala ko ba hindi kayo mahilig gumala?" takang tanong pa ni Keith.

Psh!

Hindi naman talaga!

'Yong dalawang kulugong lang naman ang nag-aya tapos iiwan din pala kami tsk!

"Ahh, hindi naman talaga." sabi pa ni Kyla.

Napakunot ang noo nila psh!

"Eh, bakit kayo nandito?" tanong pa ni Bisugo pero hindi ko siya nilingon.

"Inaya kami nila Liam tapos na rin naman 'yong trabaho namin sa bahay." sagot pa ni Xandra.

Tsk!

Pakialam ba ng mga 'to?

I mean si Keart oo, dahil nanliligaw siya kay Kyla pero tong dalawang to? Tsk!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon