Ashi Vhon's Pov.NANDITO ako ngayon sa loob ng cr para mag halfbath. Masyadong malagkit ang buhok at mukha ko. Gagong 'yon alam ko namang sinadya niya 'yon. Naiinis ako sa lalaking 'yon dahil sa mga walang kwentang pinag gagawa niya.
Tsk!
For heaven's sake!
Magtatatlong araw pa lang kami sa school na 'to pero ganito na ang nangyayari. Sarap talagang upakan ng bisugong 'yon! Kung 'di lang talaga ako naawang basagin ang mukha no'n, eh.
Tinapos ko na lang ang paghaftbath bago nagbihis. Nang matapos akong magbihis agad na akong lumabas sa cubicle at nakasandal lang sa gilid ang tatlo habang may pag-aalala sa mukha nila.
"Are you ok now?" Tanong ni Xandra.
"Yeah." Sagot ko.
Tumangu-tango na lang siya.
"Hindi na lang kaya tayo papasok ngayon, Ash." Sabi pa ni Kyla.
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Kahit 'di nila pinakita kanina sa cafeteria alam kong nag-aalala sila. Pero hinayaan lang nila kami kanina dahil alam naman nilang ayaw ko silang madamay.
Iwas kami nang iwas tapos dikit naman nang dikit ang bisugong 'yon para lang maghahanap ng away.
Pasalamat siya at sapak lang sa mukha ang natanggap niya.Pero kahit gano'n pa man may awa naman ako kahit papa'no. Nakita ko kung pa'no siya nagulat at natulala sa ginawa ko at ang pag-agos ng dugo sa ilong nito.
'Wag na sana siyang gumanti para iwas na sa gulo tsk!
Baka masapak ko lang siya uli 'pag nagkataon.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Pagpsensiyahan mo na ang pinsan ko, Ash. Sadyang ayaw lang talaga patalo ng ugok 'yon." Paghingi ng paumanhin ni Bella.
Napapailing na lang ako sabay tingin sa kaniya. Nginitian ko na lang siya ng bahagya para 'di na sila mag-alala sa 'kin. Kita ko pa ang bahagyang pagkagulat ni Bella sa pag ngiti ko.
Sabi ko na nga ba, eh.
Tsk!
"N-ngumiti ka?" Gulat na tanong niya.
Ibinalik ko sa poker face ang mukha ko bago nagsalita.
"Bakit bawal ba?" Tanong ko sa kaniya.
Umiling-iling naman siya bago nagsalita.
"Magpinsan nga kayong dalawa. Hehehe." Sabi niya at pilit na tumawa.
Napangiwi na lang ako.
"Bakit lagi ka na lang nagugulat 'pag isa sa 'min ang ngumingiti?" Takang tanong ni Xandra.
Parang natanong na niya 'yan last time.
"A-ahh, kasi 'di lang ako sanay. Lagi kasi kayong tahimik at walang emosyon ang mukha, eh." Sabi niya at pilit tumawa na naman.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...