chapter 2 "first encounter"

528 49 31
                                    

Ashi Vhon's Pov.

NANDITO na kami ngayon sa cr, dito muna kami dumeretso. Paniguradong maingay ang classroom ngayon, tsk!
Ayaw ko pa naman sa mga maiingay. Naririndi na nga ako sa mga bulungan kanina sa hallway. Nagbulungan na nga lang rinig pa. Sarap sabihing bulong pa ba 'yan? Mga chismoso't chismosa ang mga students dito.

Psh!

Kahiya naman.

"Grabe! Naririndi ako sa mga bulongan kanina," sabi ni Kyla.

"Sinabi mo pa, nagbubulongan na nga lang rinig pa. Tss!" Sabi ni Xandra habang inayos ang buhok niya.

Nakasandal lang ako rito sa pinto. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos, tsk!

"Naku! Ayaw pa naman ni Ashi sa mga maiingay. Mukhang hindi ka matatahimik sa school na 'to, Ash." Sabi pa ni Kyla.

"I'll try to control," sabi ko na lang.

Tutal, 'di naman ako ang mapapagod.

"Ibayong pasensiya at pagpipigil ang kailangan nating gawin. Kala ko pa naman 'di gano'n kalala ang mga students dito." Sabi ni Xandra.

Akala mo lang 'yon, tsk!

"Haayan na nga lang basta iwasan na lang natin ang gulo." Sabi ni Kyla.

Pinanonood ko na lang sila habang nag-aayos. Bagay sa kanila ang mga suot nila maganda at sexy. Napausog ako sa gilid nang may pumasok. Isang babae na maputi at maganda.
Nginitian pa niya kami saka lumapit sa salamin at naghilamos.

"Hi! Kayo ang mga transferees, right?" Nakangiting tanong niya habang nagpupunas ng mukha.

Tiningnan ko siya ng maigi.
She look good. Mukhang mabait din siya.

"Ahh, oo." Sagot ni Kyla sabay ngumiti.

"Nice to meet you, I'm Bella Cobler," nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay kay Kyla.

Nakangiting inabot ni Kyla ang kamay niya saka pinakilala kami.

"Nice to meet you, too. I'm Kyla, siya pala si Xandra at siya si Ashi," nakangiting pakilala ni Kyla sa 'min.

Tiningnan niya kami at nginitian.
Ngumiti lang si Xandra sa kaniya samantalang tinanguan ko lang siya.

"Welcome to our school!" Masayang sabi pa nito.

"Salamat naman," nakangiting tugon ni Kyla.

Si Kyla ang palasalita sa aming tatlo. Gano'n din naman si Xandra pero sa ngayon tiklop muna siya.

"Anong section niyo?" Tanong niya sa 'min.

"Section A," sagot ni Kyla.

"Talaga? Wow! Classmates tayo!" Nakangiting sabi niya.

Hmm.

Pinagmamasdan ko lang siya at ang mga galaw niya. Mukhang mabait nga siya. Pero 'di kami basta-basta nagtitiwala.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon