chapter 18 "Gala"

267 22 3
                                    

A/N:hello guyzz good evening please enjoy reading po.

Follow and Voting is highly appreciated.
____________________________________

Drixon Pov.

Kinabukasan

Maaga akong nagising ngayon dahil may lakad kami ng tropa ko. Agad na akong naligo pagkatapos ay nagbihis na pasado alas-otso pa lang at alas- nuebe ang usapan naming gumala.

Agad na akong bumaba at nakita ko si Manang sa Kusina.

"Good morning, Manang." nakangiti kong bati kay Manang.

Agad naman itong humarap sa 'kin bago bumati pabalik.

"Good morning naman, hijo. Nakabihis ka, ahh saan ang lakad mo?" nakangiting bati niya sabay tanong.

Nginitian ko muna siya bago nagsalita.

"May lakad kami ng tropa ko, Manang." nakangiting sabi ko saka kumuha ng baso at binuksan ang ref.

Nagsalin ako ng tubig saka uminom pagkatapos ay inilagay sa sink ang baso.

"Gano'n ba, mag ingat ka, ahh. 'Wag pasaway sa daan, ayusin ang pagmamaneho." nakangiting bilin niya.

Tumango na lang ako sa kaniya.

"Saan pala sila Mom and Dad?" tanong ko.

Inayos ko pa ang suot ko. Syempre, dapat ako mas pogi sa aming apat tse!

"Ahh, maaga silang umalis kanina, hijo. Sa kompanya ata sila pumunta ng Daddy mo." sagot ni Manang habang nakatalikod na sa 'kin.

Nagpupunas siya ng mesa.

"Ahh, gano'n ba... si Drixie?" tanong ko ulit.

Umupo ako sa hapag at nakatingin kay Manang.

"Nagpaalam kanina, umalis din kasama ang kaibigan niya. Magsisimba raw sila tapos pupunta ng mall pagkatapos magsimba." sagot ni Manang.

Napatang-tango naman ako as if makita ni Manang ang pagtango.

Napatingin ako sa relo ko. 'Di na lang ako kakain. Paniguradong wala pang kain ang mga ugok kong tropa.

Tse!

"Ahh, ok po... aalis na ako Manang, ahh." paalam ko pa.

"Sige, hijo mag ingat ka, anak." sabi pa ni Manang napangiti na lang ako dahil tinawag na naman niya akong anak.

Ganyan siya minsan parang anak niya kami, matagal na siyang nagtrabaho dito sa 'min. Kaya hindi na rin siya iba sa 'min hindi pa naman matanda si Manang nasa 35+ pa lang siya.

Manang ang gusto niyang itawag namin sa kaniya. Sampong taon na siya dito sa 'min. May anak siyang babae na sampu pa lang ang edad.

Agad na akong lumabas sa bahay saka nagtungo sa garahe at agad na sumakay sa kotse ko. Binuksan ni Manong guard ang gate kaya lumabas na ako. Sa Mall sa Maynila kami magkikita ng tropa ko.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon