A/N: Hello po happy saturday po sa inyo.
God bless!
___________________________________
Keith Pov.
Kakarating lang namin dito sa school ngayon. Nasa parking lot na kami at nakita naming naka-sandal si Drix sa kotse niya. Tiningnan ko siya ng maayos. Mukha siyang pinagsakluban ng langit. Anayare sa mokong na 'to?
Agad akong bumaba sa kotse ko at gano'n din si Keart. Lumapit ako kay Drix na animo'y hindi kami napansin. Mukhang malalim ang iniisip ng mokong na 'to psh. Ano kayang problema nito?"Hey!" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
Agad siyang tumingin sa 'kin at kay Keart na papalapit na.
"Ayos ka lang?" Tanong ko pa sa kaniya.
Napabuntong-hininga pa siya bago nag iwas ng tingin.
"Oh? Dre, anayare sa'yo? Mukha kang nalugi, ahh. Anong ganap?" Tanong pa ni Keart.
"Nalaman nila Mom and Dad," mahinang sabi pa nito.
Ha? Nalaman? Ang alin?
"Ha? Ang alin?" Tanong ko pa.
Napanuntong-hininga uli siya.
Mukhang alam ko na kung bakit! Tse! Tigas din kasi ng ulo psh. Alam kong pinagalitan na naman siya."Yung pinaggagawa ko rito," mahinang sabi pa niya.
Sabi ko na nga ba, eh! Psh!
"Oh? Tapos?" Tanong pa uli ni Keart.
"Nagalit si Dad," sagot pa nito.
Tse! Yan na nga ba sinasabi ko, eh!
Ayaw kasing makinig, psh!"Naku! Dre, intindihin mo muna ang daddy mo. Alam kong hindi siya galit, nagtatampo lang 'yon. Sino ba namang matutuwang malaman na may kalokohang ginawa ang anak niya." Sabi ko pa sa kaniya.
Napatungo na lang ito. Tss. 'Yan napapala. Loko kasi, eh!
"Yun na nga, eh. No'ng nag-usap kami kanina nagalit siya sa 'kin." Sabi pa niya.
"Naku! Dre, yaan mo muna ang daddy mo. Nagtatampo lang talaga 'yon." Sabi pa ni Keart saka tinapik ang balikat nito.
"Lilipas din 'yon, alam kong 'di ka matitiis ng daddy mo. Nagtampo lang talaga 'yon, 'wag ka na kasing gumawa ng kalokohan, dude. Tama na," sabi ko pa pero 'di siya umimik.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit papa'no naintindihan ko.
"Ayos lang 'yan, magiging okay din kayo. Huwag mo ng dibdibin, dre." Sabi pa uli ni Keart.
Napabuntong-hininga uli siya saka tumingin sa 'kin at kay Keart.
"Hindi kasi ako sanay na nagalit si Dad sa 'kin." Sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Подростковая литератураAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...