Drixon's Pov.
MAAGA AKONG nagising ngayon dahil first day of school na. Ito na ang simula ng bagong bubay ko. Bumagon na lang ako bago kinuha ang twalya at nagtungo na sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na akong maligo. Nagsuot na ako ng uniform namin. Pulo na kulay maroon habang kulay itim ang necktie at kulay maroon din ang slacks. Gano'n rin ang kulay ng sapatos at ang coat.
'Yan ang kulay ng mga uniform ng mga lalaki. Kulay maroon din ang blouse at palda ng mga babae, habang itim din ang necktie nila. Habang itim naman ang coat.
Pagkatapos kong magbihis, nagpabango muna ako saka nilagyan ng gel ang buhok ko at sinuklay. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin sabay ngiiti. Ang gwapo ko talaga, tse.
Agad ko na lang kinuha ang kulay itim na bag ko bago isinabit sa kanang balikat at lumabas na ng kwarto.
Nakita kong naghahanda pa lang ng agahan si Manang."Good morning, Manang." Bati ko sabay mano sa kaniya.
Gano'n lagi ako sa kaniya. Tinuring ko na rin siya bilang kapamilya namin.
"Oh? Ang aga mo ata, hijo." Nakangiting sabi niya.
"Syempre, first day of school ngayon, Manang." Nakangiting sagot ko.
Natawa na lang si Manang habang sinusuri ako ng tingin. Nagpapogi pa ako dahilan para matawa si Manang.
"Ang ganda ng ayos mo, ah. Lalo kang pomogi," kumento ni Manang sabay tawa.
"Syempre naman, Manang. Magpapogi talaga ako 'tsaka, kahit 'di na ako magpapogi gwapo na ako. Maraming chicks mamaya---arayy!" Daing ko dahil piningot ni Manang ang tainga ko.
Awts! Sakit no'n!
Lupet ni Manang."Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan," napapailing na sabi ni Manang.
Napakamot na lang ako sa tainga ko.
"Joke lang naman 'yon, Manang. Pero, gwapo naman talaga ako, ah habulin ng mga babae." Sabi ko saka umaktong nag-post pa sa harap ni Manang.
Natawa na lang siya sa 'kin.
"Oh, siya-siya! Pogi kong alaga kumain ka na, kung ano-ano ang nalalaman mo." Nakangiting sabi niya saka hinila ako paupo sa mesa.
"Si Drixie, Manang?" Tanong ko.
"Mukhang naliligo pa siya. Sige na, kumain ka na," sagot ni Manang kaya tumango na lang ako saka kumain na.
Naglakad naman si Manang patungo sa kusina. Pagkatapos kong kumain ay siyang pagbaba ni Drixie, naka uniform na rin siya at same school lang kami. Kaya lang malayo 'yong building nila.
Separate kasi at nasa malapit na building ng mga college ang building ng mga fourth year highschool.
"Good morning, Kuya." Nakangiting bati niya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Подростковая литератураAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...