chapter 62 " sampal"

194 18 1
                                    

A/N: hello mga ka wattpadians! Here's the update!

Ashi Vhon Pov.

Nandito na ako sa tapat ng D.O dito ako kakausapin ni lolo.
Bumuntong-hininga muna ako bago kumatok ng tatlong beses.

Pinagbuksan ako ng isang babae. Mukhang siya 'yong assistant ni Dean.

Nakangiting pinapasok niya ako sa loob. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang papasok.

Napabuntong-hininga uli ako ng malalim ng makitang silang lahat ay nandito. Nakaupo sila sa sofa.

Nakapamulsang lumapit ako sa kanila.

"Maupo ka, hija." rinig kong sabi ni Dean.

Agad na kumaway si Lola Marites at tinap ang katabi niya. Walang ganang naglakad ako palapit sa kanila at umupo do'n.

"Nasaan ang pinsan at kaibigan mo?" nakangiting tanong pa ni Lola Marites.

"Cafeteria," maikling sabi ko saka sumandal at pumikit psh!

Akala ko ba kakausapin ako ni Lolo Luis psh!

Bakit nandito ang mga 'to psh! Mabuti na lang na pumikit ako kesa makita ko ang pagmumukha ng mahaderang 'yan tsk!.

Ramdam ko ang tension at tingin nila sa 'kin.

"Kamusta ang pag-aaral niyo apo?" rinig kong tanong pa ni Lola Marites.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.

"Ayos lang," malumay na sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Nagustuhan niyo ba dito?" tanong ulit niya.

Kahit di ako tumingin sa kaniya alam kong nakangiti siya. Pala ngiti si Lola kaya hindi siya mahirap na kaibiganin o kausapin.

"Mmm." tangong sagot ko pa.

Hindi na nagsalita pa si lola kaya natahimik kaming lahat.

Wait.

Does it means si Lola ang nag enrolled sa amin dito?

Tsk!

Dahil sa sobrang tahimik kahit ang paghinga ng bawat isa ay rinig na rinig tsk!

Maya-maya ay may narinig akong pumasok. Base sa prisensiya nila alam ko na kung sino sila tsk!

"Maupo kayo mga jiha at hijo." rinig kong sabi pa ni Dean sa kanila.

"Sige, salamat po Tita." rinig kong sabi pa ni Bella.

Wala ng nagsalita kaya natahimik na uli ang lahat.

Nakapandikwatrong nakapikit ako habang nakasandal sa sofa.

Tsk! Sarap sana matulog tang inis!

"Bakit hindi mo sinabing dito ka nag-aaral?" seryusong tanong pa ni Dad.

Tsk!

Natawa ako ng bahagya sa tanong niya.

Hindi ko alam na kailangan pa pala niyang ma inform gayong wala naman silang paki sa akin.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon