chapter 30 "Glue"

200 20 2
                                    

A/N: Hello po hope you enjoy reading guyzzz!

____________________________________

Ashi Vhon Pov.

Hindi ko alam na naka idlip na pala ako panandalian lang. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ko ang malakas na tili tsk!

Ingay-ingay kainis.

Disturbo sa tulog ko kainis. Ilang minuto lang 'yong idlip ko, eh!

Nanatling nakapikit pa rin ako.

"Kialala ko siya." biglang sabi ng isang babae!

Base sa boses ay bata pa siya. Mukhang nasa second year highschool pa lamang siya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ng babae.

Mas lumaki pa ang ngiti niya nang tumingin ako sa kaniya. Blanko pa rin ang mukha ko at nanatiling nakasandal sa sofa.

Parang pamilyar siya sa 'kin. 'Di ko lang natandaan kung saan tse!

"Hi, ate!" masayang bati sa 'kin.

"Hello." malumay na bati ko.

"Hindi ko inaasahan na dito ka pala sa school namin nag-aaral." nakangiting sabi niya sabay upo sa tabi ko.

Ha?

Sino ba siya?

Napansin kong nakatingin sa 'min ang lahat ng nandito ngayon.

Nakatingin lang ako sa babaeng katabi ko.

Salubong ang kilay na nakatingin ako sa kaniya.

"Hindi mo ba ako kilala, ate?" nakapout na sabi pa niya.

"Hindi." deretsong sagot ko sa kaniya.

Lalo siyang napanguso tsk!

Infairness, ahh ang cute niya.

"Ayy! Hindi nga pala ako nakapag pakilala sa'yo no'ng nagkita tayo." sabi pa niya.

Salubong ang kilay pa rin akong nakatingin sa kaniya. Pilit kong inalala pero wala talaga. Nakita ko na siya, eh pero 'di ko alam kung saan.

"Ako nga pala si Drixie, ate ako 'yong nakausap mo noong nasa loob tayo ng national book store sa mall." nakangiting sabi pa niya.

Ah! Naalala ko na.

Naalala ko na siya. Siya pala 'yong nakita ko sa loob ng NBS na pilit na inabot 'yong book na gusto niyang bilhin.

Naalala ko pang nakapout siya no'n habang pilit inabot ang libro. Ang cute cute nga niya no'n, eh psh!

Napangiti akong tumingin sa kaniya. 'Yong ngiting totoo at hindi pilit at sarcastic.

Napangiti naman siya sa 'kin.

"Ahh, aalala ko... ikaw pala 'yon? Ako nga pala si Ashi." nakangiting sabi ko pa sa kaniya.

Nakangiting tumango naman siya sa 'kin.

Ramadam ko ang tingin ng lahat kaya napatingin ako sa kanila.

Nakangiti si Dean ng bahagya. Habang mukhang gulat na gulat 'yong apat na nakatingin sa 'kin.

Tumingin ako sa mga kasama ko at...

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon