chapter 70"Tulak"

200 19 0
                                    

Chapter 73 " Tulak"

A/N: Hello Blueeems! Hindi pa rin sunod-sunod ang chapters kaya check niyo sa menu.

Ashi Vhon Pov.

Kakatapos lang namin kumain ngayon. Kasabay namin si Liam at Jiro. Panay na naman ang kwentuhan at tawanan nila. Tahimik lang din akong nakikinig sa kanila gano'n din si Bisugo.

"Kuya, sasabay ka uli sa 'min sa lunch bukas?" nakangiting tanong pa ni Theresa.

"Hmm. Titingnan ko lang. May duty ako sa hospital bukas." nakangiting sabi pa ni Jiro.

Tumango na lang si Theresa.

"Eh, ikaw, Kuya Liam? Wala ka bang duty?" tanong pa ni Stella kay Liam.

Nakasandal habang naka cross arm akong nakikinig sa kanila.

"Hmm... meron mayaya sa Chevalier hospital." sagot pa ni Liam.

Mmm. Do'n pala siya nakaduty psh!

'Yon din ang hospital kung saan namin dinala sila Bisugo noong Friday. Hindi naman 'yon masyadong malayo dito. Kapag lalakarin mo ay mga 10 minutes ata para makarating ka do'n.

"Ahh,"sabi pa ni Stella.

Tsk!

"Oh? Tahimik mo, Drix ah." baling pa ni Liam kay Bisugo.

Nakasandal ito at parang lutang psh!

Siniko siya ni Keart.

"Tinanong ka ni Liam." sabi pa ni Keart.

Tumingin naman siya kay Liam.

"A-ano nga uli 'yon?" tanong pa niya.

Natawa na lang si Liam sa kaniya.

"Sabi ko, ang tahimik mo." tawang sani pa ni Liam.

Napakamot na lang siya sa batok niya.

"May iniisip lang." sagot pa niya.

Tumango na lang si Liam sa kaniya.

"Oh siya, aalis na ako." nakangiting sabi pa ni Jiro sabay tayo.

"Sige ingat, pre." nakangiting sabi pa ni Liam.

"Mmm." tangong sabi pa ni Jiro.

"Ingat ka po, Kuya." sabi pa ni Bella.

"Oo nga, po next time uli hehehe." si Theresa.

"Sige, kayo rin ingat kayo." nakangiting sabi pa ni Jiro saka bumaling sa 'kin.

"Alis na ako, ah!" nakangiting sabi pa niya.

"Mmm." tangong sabi ko.

Hinalikan pa niya ako sa noo saka tumingin kela Kyla at Xandra.

"Mauna na ako. Kayo na bahala sa mga to, ah." nakangiting sabi pa ni Jiro do'n sa apat at kay Liam.

"Sure." nakangiting sabi pa ni Lyle.

Tumango 'yong dalawa maliban kay Bisugo na tahimik pa rin.

"I'll go ahead," sabi pa ni Jiro saka tumalikod na at umalis.

"Tara na," sabi ko pa.

Tumango naman sila saka tumayo. Tiningnan ko si Bisugo na hindi man lang natinag sa kinauupuan niya.

Lumapit ako saka tinapik ang balikat niya.

"Tayo na," sabi ko pa.

Tiningnan naman niya ako kaya tumalikod na ako at naunang naglakad.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon