chapter 60 " Liam"

210 18 0
                                    

A/N: Keep reading and God bless!

Drixon Pov.

Nandito pa rin kami sa gym ngayon. Kakalabas lang nila Panget sa gym.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig at nakita ko.

Kahit 'yong mga studyanting malapit lang sa 'min ay hindi pa rin matigil sa kakabulong. Hindi rin sila makapaniwala tungkol kay Panget.

Nanatili akong nakatingin sa entrance ng gym kung saan lumabas si Panget na blanko at seryuso ang mukha.

Nakita kong nag-usap sila kanina no'ng babaeng kaedad ni Mom na attorney din pala. Nakikita ko ang walang kwentang tingin ni Panget sa babae na 'yon kanina no'ng mag-usap sila.

Nakita ko rin kung paano siya tumingin sa babae. Animo'y hindi niya gustong makita ang Ginang. Kahit 'di ko narinig ang pinag uusapan nila alam kong hindi iyon maganda dahil sa uri ng pakikitungo at pakikipag-usap ni Panget sa kaniya.

Naninibago ako sa aura ni Panget kanina. Hindi siya tulad ng dati naming nakikita at pinagtripan ko. At higit sa lahat hindi siya tulad ng Panget na nagligtas sa 'min no'ng nakaraan sa mga humarang sa 'min.

Nakakapagtaka lang kung bakit gano'n. Parang hindi siya okay sa pamilya niya. Maliban na lang do'n sa mag asawang matanda na lola at Lolo nila ni Xandra.

Hindi ko rin inakalang bigtime pala sila. Kahit hindi kasali si Kyla alam kong bigtime rin ang isang 'yon psh! Masyadong pa misteryuso ang mga amazona na 'to.

But seriously, hind ko talaga enexpect na ganito ang mangyayari at malalaman namin kela Panget. Kanina pa lang no'ng nasa stage pa sila na sumasayaw ay nahahalata kong may kakaiba. Lalo na no'ng bigla siyang sumeryuso.

"Grabe! Hindi ako makapaniwala, dre!" biglang sabi pa ni Keart na kanina pa gulat at tulala rin.

Gano'n din sila Lyle at Keith pati na rin ako. Tulala lang kami habang gulat na nakatingin kay Panget kanina no'ng ipakilala siya ni Judge Ibañez na lolo pala niya.

Sa tindig pa lang ng Lolo niya ay halatang may pagka strikto at halata ang makapangyarihan sa boses at tindig nito. Kahit si Lolo ay gano'n din. Kanina kinakabahan pa nga ako no'ng lumapit si Panget sa harapan at no'ng tumingin siya kay Lolo ay hindi man lang nagbow ang Panget na 'yon.

Hindi man lang siya natakot kay Lolo psh! At mas ikinagulat ko pa kanina na tiningnan at tinanguan lang niya si Lolo. Hindi talaga marunong gumalang ang panget na 'yon tsk!

Pero nagtataka lang ako kanina na nag uusap sila no'ng lalaking pinakilala ni Judge Ibañez kanina na si William Hertz daw. Psh!

Parang close na close pa sila kung mag usap psh!

"Napaka misteryuso talaga ng tatlong 'yon." bulalas pa ni Keith.

"Yeah! Akalain mong mga bigtime pala tapos hindi man lang sila nagsabi. 'Tsaka, hindi rin halata sa kanilang bigtime sila dahil pati pananamit nila ay hindi mo masasabing mayaman sila." sabi pa uli ni Keart.

Oo nga. Kaya nga nasasabihan silang dukha at mahirap. Pati na rin ako noon. Pero ang sabi ko lang naman noon ay parang mahirap sila. Pero hindi pala dahil mukhang mas mayaman pa sila kesa sa pamilya ko.

Ang ikinatataka lang ay mukhang hindi maganda ang relasyon ni Panget sa pamilya niya. Bukod do'n sa mga Acosta.

"Alam naman nating iba sila, Ashi. Hindi sila tulad ng iba na pinagyayabang at halatang mayaman. Sila kasi 'yong tipong ayaw sa mga pa sosyal. Gusto nila ay simple lang at hindi niyo ba napapansin na sila Bella, Stella at Theresa lang ang kinaibigan nila bukod do'n kela Brix? Dahil simple at hindi tulad ng iba sila Bella. Napapansin kong ayaw nila sa mga matapobre." mahabang sabi pa ni Lyle. Himala at mahaba ang salita niya psh!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon