chapter 7 " Inis"

430 38 13
                                    


Drixon's Pov.

NANDITO kami sa rooftop ng building namin ngayon. Kanina pa kami rito at almost lunch time na. Kanina pa ako nababadtrip dahil sa pesteng tomboy na 'yon. Ginagalit talaga niya ako, ah kainis! 'Di na lang mag-sorry kung ayaw niyang lalaki pa ang gulo. Gagantihan ko talaga ang walang kwentang tomboy na feeling cool na 'yon. 'Di naman bagay sa kaniya ang asta niya!

Nakaupo kami ngayon at tahimik lang ako at nag-iisip ng pwedeng iganti sa tomboy na 'yon. 'Yong mga kaibigan kong asungot naman, ayon nagtatawanan dahil sa ipinangalan sa 'kin no'ng hambog at pesteng babaeng 'yon.

Tawagin daw ba akong xoxon Bisugo, eh nakakasuka 'yong xoxon, tas' dagdagan mo pa sa bisugo. Saan kaya nakahanap ng gano'n ang panget na tomboy na 'yon.

Tse!

'Di man lang siya nababakasan ng takot kanina no'ng bantaan ko siyang gantihan. Alam kong nagpapalakas loob lang siya para banggain ako.
Tingnan natin kung maka-asta ka pa ng ganyan kapag makaganti na ako sa'yo.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng---este tomboy na panget na pa cool na 'yon. Eh, hindi naman siya cool, eh. Para nga siyang tao sa kalye.

Tse!

"Hoy! Dude, anyari sa 'yo? Bakit salubong 'yang kilay mo?" Tanong ni Keith.

Nagtanong pa talaga ang loko, tse!

"Baka 'kamo' dahil sa sinabi ni Ashi sa kaniya kanina." Sabi ni Keart sabay tawa.

Tse!

Sige lang inisin mo pa ako baka 'di mo namalayang nasa ground floor ka na ugok ka.

"Pero grabe, dude, ah. Saan kaya siya nakakuha no'n, eh ang panget ng tawag niya sa'yo." Sabi uli ni Keart at tumawa na naman.

Inis na nilingon ko sila. Nakangiti si Lyle habang tatawa-tawa si Keith at tumawa talaga si Keart. Inambahan ko siya ng suntok kaya tumigil siya sa kakatawa niya.

Peste!

"Tumigil ka! Kung ayaw mong sa ground floor ang bagsak mo!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Napakamot naman siya sa batok niya.

" 'Wag naman, 'tsaka natatawa lang talaga ako sa xonxon bisugo---" 'di na niya natapos ang sasabihin nang akmang tatayo ako para ihulog siya sa baba.

Mabilis naman siyang tumayo saka nagmamadaling nagtungo sa hagdan pababa.

"Baka iiyakan ako ng maraming chicks kapag nahulog ako 'no." Rinig ko pang sabi nito saka nauna nang bumaba.

Tse!

"Tama na 'yan, kain na tayo." Sabi pa ni Lyle.

" 'Wag mo na lang gantihan, dude, para 'di na lalaki pa ang gulo. Tara kain na tayo gutom na rin ako." Sabi ni Keith sabay tayo at naglakad na siya.

Sumunod naman si Lyle kaya tumayo na ako at sumunod sa kanila pababa.
Badtrip na badtrip ako ngayon dahil sa panget na tomboy na 'yon. Simple'ng paghingi lang ng sorry 'di pa magawa, tse!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon