chapter 59 " Seeing them again"

209 18 0
                                    

A/N: Here's the updtae Blueeems!

Ashi Vhon Pov.

Kakatapos lang ng sayaw namin at nandito na kami sa dance club nagbibihis. Naka-pants ako at maluwang na t-shirt. Nakatali pa rin ang buhok ko.

Dala ang kaba na lumabas kaming tatlo sa dance club ng matapos kami.

Kanina pa ako nababadtrip no'ng nasa kalagitnaan kami nang pagsasayaw. Kung hindi pa sana ako tumingin sa baba ng stage hindi ko sila makikita.

Anong ginagawa nila dito? Bakit nandito ang mga 'yon? At anong ginagawa niyang lalaking 'yon dito? Kung hindi ko pa nakitang pumasok si Jiro kanina hindi ko alam nandito silang lahat.

Naiinis ako kung bakit sila nandito. Alam kong nakita rin sila ni Xandra at Kyla.

Hindi namin enexpect na sila pala ang bisita psh!

At anak nampuchang si Jiro hindi manlang sinabi sa 'min kahapon! Hindi manlang niya sinabing dumating ang mga 'yon psh!

Nakaramdam ako ng galit at inis.

"Anong ginagawa nila dito?" rinig ko pang tanong ni Xandra.

"Oo nga, hindi ko inakalang sila ang bisita. Akala ko 'yong taga Germany lang." sabi pa ni Kyla.

Ramdam kong napatingin silang dalawa sa 'kin. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad papunta sa gym.

Malilintikan ka talaga sa 'kin mamaya kung bakit 'di mo sinabi sa 'min ugok ka!

Inis akong pumasok sa gym. Seryuso at ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko. Nagsasalita sa stage 'yong matandang lalaki.

Nasa tabi ko ang dalawa at ramdam ko ang panay sulyap nila sa 'kin psh!

Hindi ko sila pinasin hanggang sa tawagin no'ng matanda si Judge Luis Ibañez.

Nakita kong tumayo ito at nakangiting naglakad paakyat sa stage.

Nakatingin lang ako sa matandang nakangiti na iginala ang paningin sa buong gym.

Hinihintay kong sa 'kin tumama ang tingin niya at 'yon na nga.

Biglang nawala ang ngiti niyang tumingin ito sa 'kin. Seryuso na ang mukha niyang nakatingin sa 'kin. Tiningnan ko lang siya ng blanko. Nilabanan ko ang seryusong tingin niya kahit nakakaramdam ako ng kaba sa sistema ko.

Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Ramdam ko ang tingin nila Xandra at kyla sa 'kin.

Napahinga ako ng maluwag ng kusang umiwas ng tingin si Judge Luis Ibañez. Nakangiti na ito habang tumingin sa lahat.

"Good morning everyone! By the way, it's my pleasure to see you all here and thanks for the amazing dance welcome performance. Thanks a lot! And let me introduce my family." nakangiti ngunit seryusong sabi pa ni Judge Luis Ibañez habang sinulyapan pa ako saglit at muling nagsalita.

"Here's my Son, Attorney Tom Ibañez with her wife Attorney Nami Onuma and to my grandson Jiro Ibañez who's taking up his med and law course. And also no other than Kumpadre Don Adolfo Acosta with his wife kumadre Doña Marites Acosta. And to the grandson of my friend from Germany who's taking up his law special course and also his med in Germany." seryuso at nakangiti pang sabi ni Judge Luis Ibañez sa lahat.

Magsitayuan ang lahat ng binanggit niya at saka nakangiting humarap sa lahat.

Seryuso at kinakabahan akong nakatingin sa kanilang lahat.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon