chapter 44" Harden"

203 17 2
                                    

A/N: hello sa lahat! By the way good day.. please enjoy reading and please support me guyss!

____________________________________

Ashi Vhon's Pov.

K I N A B U K A S A N

Nandito na kami sa classroom ngayon. Maaga kaming pumunta dito kanina. Kahit na inaantok pa ako.

Masyado pa kasing maaga iilan pa lang ang mga classmates namin ang nandito. Wala pa nga sila Stella at Theresa. Si Bella pa lang ang ka daldalan ni Kyla at Xandra. Naging madaldal na ang dalawa tsk!

Nakapikit lang ako habang nakasandal sa upuan ko at naka cross arm. Kahit iilan pa lang ang classmates namin maingay pa rin.

Tsk!

Inaantok pa naman ako tapos ang ingay-ingay psh!

Tumayo na lang ako bago kinuha ang bag ko. Magpapahangin na lang muna ako sa harden. Maganda do'n may sariwang hangin at tahimik.

Makakapag isip-isip ka do'n ng maayos psh!

"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Xandra.

"Magpahangin lang," maikling sagot ko.

Tumango lang sila kaya lumabas na ako ng room.

Sinabit ko ang bag sa balikat ko at nakapamulsang naglakad sa hallway pababa ng building namin. Narinig ko pang may nagbubulungan psh!

Paki ko sa kanila tsk!

Nang makababa ay agad na akong nagtungo sa harden sa likod ng building namin. Saktong walang tao kaya sulo ko ang harden. Umupo sa ilalim ng puno kung saan lagi ang tambayan ko tuwing free time.

Napalanghap pa ako ng sariwang hangin ng makaupo at makasandal ako sa puno. Nakakagaan ng loob basta ganito ang lugar na tatambayan mo. Tahimik at makakapag relax ka pa.

Hassyyt

Oo nga pala, bibisita si Jiro dito ngayon. Sasabay daw siya sa 'min mag lunch mamaya.

Ok lang naman na sa 'kin 'yon. Basta behave lang siya tsk!

Ayaw ko sana pero nagpupumilit. Gusto raw niyang makita ang school namin tsk!

Pumikit pa ako saka nag-iisip. Siguro kung nandito pa ang ina ko hindi sana ganito ang danasin ko. Namin ng kapatid ko. Hindi sana pinapakialaman ang buhay namin ngayon.

Tahimik sana ang buhay naming magkakapatid kung nandito lang ang inay tsk! Wala sanang mahaderang palaka ang sisira sa pamilya namin. Kasi simula ng dumating 'yong babaeng 'yon sa buhay namin ay hindi na maganda ang relasyon ko sa pamilya ko. Masyadong paki alamera ang madrastang 'yon. Dinadamay pa kaming magkapatid sa kung anong meron siya sa pamilya niya tsk!

Masyadong komplikado na ang lahat. Bastos, walang modo, walang matinong maidulot sa pamilya, salot, at basagulera ang tingin nila sa 'kin ngayon. Tsk!

As if naman may paki ako psh!

Kaya kong mabuhay ng wala sila.

Hindi sana ganito ang lahat na dumating sa point na parang wala akong magulang na kinikilala tsk! Dahil lang din naman sa kanila kaya ganito ako.

Kung hindi nila kami pinilit... kung hindi nila pinakialaman ang buhay ko.

Nagkamali man ako oo dahil nagmahal lang naman ako no'ng mga panahon na 'yon. Akala ko hindi rin niya ako sasaktan at iiwan tulad ng pamilya ko. Pero nagkamali ako... nagkamali ako sa akala ko dahil...

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon