Ashi Vhon's Pov.
NAGLALAKAD na kami ngayon patungo sa cafeteria. Gutom na ako at pasado 11:30 na rin. Medyo napasarap ang tulog ko kanina. Nagising lang ako ng marinig ang ingay ng tatlo.'Di ko pinansin ang mga bulungan sa hallway patungo sa cafeteria.
Hindi ba sila naririndi sa pag bubulungan?
Ako kanina pa naririndi, tsk!
Tahimik na sumunod lang ako sa tatlong nasa unahan ko. Hindi rin nila pinansin ang paligid tulad ko. Akmang papasok na ako sa loob ng may biglang bumangga sa 'kin dahilan ng muntik ko pang pagkasubsob sa pinto ng cafeteria. Narinig ko pa ang tawanan sa loob at sa paligid.
Lintik!
Nakapasok na rin sila Kyla, Xandra at Bella. Walang buhay na pumihit ako paharap sa taong bumangga sa 'kin, nakita ko pa siyang napaupo sa sahig dahil sa pagbunggo niya sa 'kin.
Psh!
Tiningnan ko siya nang masama dahilan para mapapitlag siya sa kinauupuan niya. Namumukhaan ko ang babaeng to, ah.
Tsk!
Talagang siya pa ang may ganang bumangga sa akin? Tapos siya pa ang napaupo? Napapailing na lang ako sabay tingin ng masama sa kaniya bago iniwang ito nakaupo sa lupa.
Agad na akong pumasok sa loob at umupo sa table nila Bella. Wala akong mood na pumatol sa tulad niya.Tsk!
I don't want to waste my time in a useless things or a person like her!
"Napa'no 'yon?" Takang tanong ni Xandra.
"Nag-acting na nakaupo sa sahig. Sasabak ata sa pagiging artista," sarcastic kong sabi na ikinatawa nila.
Umupo na lang ako saka sumandal sa upuan ko.
"Agaw eksena talaga 'yang babaetang 'yan," nakangiwing sabi ni Bella.
Napatingin naman sa kaniya si Kyla at Xandra.
"Bakit?" tanong ni Kyla.
Chismosa rin ang isang 'to. Napapailing na lang ako.
"Pa'no ba naman, kala mo kung sinong magandang nambubully din sa mga newbie rito." Halata ang disgustong sabi ni Bella.
"At mukhang kayo ang susunod na ibubully niya." Patuloy pa ni Bella.
Natawa naman si Kyla at Xandra sabay tingin sa 'kin. Blankong tiningnan ko lang sila.
"Nah! 'Wag lang talaga siyang makialam sa 'min, hindi kami pumasok dito para apihin ng kung sino." Natatawang sabi ni kyla.
"Gusto namin ng tahimik at walang gulo," dagdag pa ni Xandra.
"Pero mukhang sa inyo maputol ang sungay ng babaeng 'yon." Sabi pa ni Bella.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ni Kyla.
"Dahil sa pamatay na tingin ni Ashi, pfft!" Sagot ni Bella sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...