A/N: hello po good day and please enjoy reading po.
Drixon Pov.
Lunch break na at saktong nandito na kami sa loob ng cafeteria. Nakaupo na kami at naghihintay sa mga order namin.
Hindi ko kasabay si Kiana ngayon dahil nag text siyang kasama niya ang kaibigan niya at sa labas sila kumain.
Nagtataka pa ako kung bakit sa labas pa sila kumain, eh kung pwede namang dito na lang tse!
Hinayaan ko na lang baka sawa na silang kumain sa pagkain dito sa cafeteria.
Hayysst!
"Oh! Dre! Baka pwede ka ng magkwento." sarcastic na sabi pa ni Keith.
"Ano naman ang ikwekwento ko?" maang-maangang balik tanong ko pa.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Keith psh! Parang bading lang tse!!
"Pucha! Nakalimutan mo agad? Ulol! Alam kong alam mo ang ibig naming sabihin." sabi pa ni Keart.
"Oo nga naman. Bakit ka nga ba napadpad ka kamo sa Archery club?" tanong pa ni Lyle.
Napaiwas na lang ako ng tingin psh!
Aya titigil ang mga to hangga't 'di ko masasabi sa kanila tse!
"Kwento na, Dre!" pilit pa ni Keart.
Kaya napabuntong-hininga na lang ako bago tumingin sa kanila.
"Ano na?" inip na tanong pa ni Keit psh!
Nagmamadali? Tsk!
Ikaw na lang mag kwento tse!
"Nag mamadali, Dre?" sarcastic na tanong ko pa sa kaniya.
"Sabihin mo na kasi!" inip na sabi pa ni Lyle.
Tse!
"Kanina kasi no'ng nag paalam akong magpahangin ay sa harden ako napadpad sa likod ng building natin." panimula ko.
"Oh? Tapos? Bakit sa Archery ka napadpad kamo?" tanong pa ni Keart.
Inis akong tumingin sa kaniya.
Hindi ba pwedeng patapusin na lang muna ako psh!"Patapusin mo muna ako pwede?" sarcastic na tanong ko.
Nagpeace sign na lang siya habang kakamot-kamot sa batok tse!
" 'Yon nga, sa harden ako nagpapahangin pero nakita ko si panget na nakasandal sa ilalim ng puno. Nakapikit at mukhang malungokt tapos parang umiiyak siya." patuloy ko pa.
"Si Ashi kamo? Bakit naman siya umiiyak?" tanong pa ni Keith.
"Hindi ko alam kasi nakita ko lang naman siya. At no'ng dumilat siya ay agad akong nagtago baka makita pa ako. Nakita ko siyang marahas na pinunasan ang luha sa pisnge niya bago tumayo." pag kukwento ko.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...