chapter 68"komprontasyon"

196 17 0
                                    

A/N: hello po hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.

___________________________________

Ashi Vhon Pov.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya.

*Crakkkkk!

Hinampas ko ang alarm clock ko na nasa maliit na lamesita sa tabi ng kama ko. Inaantok pa ako, eh! Psh!

Babalik na sana ako sa pagtulog nang biglang may kumatok sa pinto.

*Tokk! tokk! tokk!

"Ash! Gising na may pasok pa tayo." sabi pa ni Xandra mula sa labas.

Tsk!

Bumangon na lang ako saka kinusot kusot pa ang mata ko.

Napahikab pa ako.

"Ash!" tawag pa ni Xandra.

Psh!

"Maliligo na muna ako!" sigaw ko saka kinuha ang tubig sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko at uminom.

Pagkatapos ay agad na akong tumayo saka kumuha ng twalya at pumasok na sa banyo.

Mabilis lang akong natapos sa pagligo kaya nagbihis na ako.

Pinunasan ko ang buhok ko at umupo sa kama ko. Pagkatapos ay sinuot ko na ang sapatos ko at tumayo na bago kinuha ang bag sabay sabit sa balikat ko at lumabas na ng kwarto.

Pagbaba ko nakahain na ang pagkain. Bihis na rin sila.

"Good morning, tagal mong gumising, ahh." si Kyla.

"Good morning." si Xandra.

"Morning. Inaantok pa ako, eh." walang ganang sabi ko sabay upo sa upuan.

Kumuha naman ng baso si Kyla saka nagtimpla ng kape at ibinigay sa 'kin.

Mabilis kong inabot 'yon at uminom.

Umupo na rin siya at nagsalin ng kanin at ulam para sa sarili.

"Oo nga pala. Nagtext sa 'kin si Kuya Jiro. Sasabay uli siya sa 'tin mag lunch mamaya." sabi pa ni Xandra.

Tsk!

Wala ba siyang duty? Psh!

"Wala ba siyang duty?" walang ganang tanong ko pa.

"Ewan, wala naman siyang sinabi." sagot pa ni Xandra.

"Psh! Si Kuya talaga bumabawi hahaha!" sabi pa ni Kyla at tumawa tsk!

Kahit kailan ang isang 'yo!

"Tch! Yaan na natin, para malibre tayo sa lunch mamaya." sabi pa ni Xandra.

Tsk!

Hilig talaga magpalibre ang babaeng to!

Sabagay masarap naman kapag libre psh!

"Oo nga pala, Ash. Ayos ka lang ba talaga?" biglang tanong pa ni Kyla.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon