Chapter 72 " Sympathy"
A/N: Hope you understand guyss! Nagloko kasi ang watty ko kaya hindi nagkasunod-sunod ang chapter 72 hanggang 78. Cheeck niyo sa chapters menu.
Ashi Vhon Pov.
Sa paglalakad ko, sa Archery club ako napunta. Hindi pa rin lock ang pinto kaya pinihit ko ito nang marahan.
Wala namang tao. Agad na akong tuluyang pumasok saka tumingin- tingin sa paligid.
Naghahanap ako ng magandang pwesto na pwedeng mahigaan ako.
Aktong lalapit na ako sa may bandang dulo ng makarinig ako nang sigaw.
Pinapakinggan ko ng mabuti kung saan galing ang sigawan.
Bigla na naman ito sumigaw na animo'y galit. Base sa boses ay lalaki ito. Parang pamilyar ang boses niya.
Dahan-dahan akong lumapit at sumilip ng bahagya.
Tama nga ako. Si Bisugo at...
(-_-)
Si Kiana!
Umiiyak ito habang nakatungo psh!
Halatang nagpipigil ng galit at inis si Bisugo.
Tsk!
Dahan-dahan na lang akong umalis at bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Tumingin ako sa paligid. Kala ko walang tao psh!
Naglakad na lang ako sa kabilang dulo kung saan nando'n ang mga palaso at ang range.
Ibinaba ko ang bag ko. Lumapit ako sa palaso at tiningnan ito ng mabuti. Medyo expensive ang isang to.
(-_-)
Rinig na rinig ko uli ang galit na sigaw ni Bisugo. Napapailing na lang ako tsk!
Hindi ko na lang sila pinansin pa kahit rinig na rinig ko ang pasigaw na sinasabi pa ni Bisugo.
Kumuha ako ng upuan at upo sa harap ng mga palaso.
Sinipat-sipat ko ang mga ito. Walang maski isang palaso na meron dito ang palasong gusto kong gamitin.
Tsk!
Ilang minuto pa lang ako nakaupo nang tumayo ako saka kumuha ng dalawang tatlong palaso. Naglalakad ako papunta sa line.
Inayos ko ang palaso at at saka pinwesto ito sabay pakawala at...
*Tsukkkk!!
Sapol sa gitna psh!
Wala na akong narinig pa na ingay. Mukhang tapos na sila psh!
Pinwesto ko ulit ang palaso. Ramdam kong may nakatingin sa 'kin. Pero hindi ko pinansin. Narinig ko na lang na pabagsak na sumara ang pinto.
Hindi ko na lang uli pinansin 'yon at sina-sight ang palaso. Maya-maya lang ay pinakawalan ko na ito.
*Tsukkk!!
Sapul pa rin sa gitna.
Kinuha ko ang huling palaso at muling pinuwesto. Muli kong pinakawalan at...
*Tsukkk!!
Sapol pa rin sa gitna. Ramdam kong may nakatingin sa 'kin. Sa presensiya pa lang niya alam ko na kung sino.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Blanko lang ang mukha kong nakatingin sa kaniya.
Narning ko pa ang bulong niya. Psh!
Kahit kailan talaga. Panget pa rin ang tawag sa 'kin psh!
Tiningnan ko ang kabuuan niya. Halatang umiiyak siya psh!
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...