chapter 43" Keart is Inlove"

207 18 3
                                    

A/N: Konnichiwa to all readers! Please support me guyzzz and enjoy reading.

____________________________________

Ashi Vhon Pov.

Nagsimula kaming nagpractice ngayon hiphop dance ang sasayawin namin. Para raw to sa intermission number next week. Bibisita ang mga stolkholders at may-ari ng school na 'to, psh!

Mabilis lang ang naging galaw namin sa stage ng dance club.

Kanina pa humihiyaw sila Bella pati na rin si Keart na ang lakas ng boses kung maka cheer kay Kyla. Tsk! Ensayo pa nga lang 'to, eh.

Nakatalikod kami sa kanila at kanina pa rin 'tong mga kasama naming panay ang puri sa 'min dahil magaling daw kami at madali lang matuto psh!

Si Aika naman ay inilagay pa ako sa gitna. Ako ang iikot tapos hahataw sa gitna kasunod sila Kyla at Xandra. Nasa gilid naman sila Tricia at Bea na panay ang ngiti sa 'min. Kami kasi muna ang sasayaw habang sila ay papasok pagkatapos namin. Ay sasabay na sila. Nasa kalahati pa lang kami.

Ang una kasi 'yong sabay kaming lahat na naka upo habang hawak daw ang suot namng cap psh!

Daming alam!

Pero ayos naman. Mukha kaming lalaki kung sasayaw kaya ayos na ayos para sa 'min.

"Ikot, Ash! 'Yan! 'Yan!" sabi pa ni Aika.

Kaya ginawa ko naman.

"Wow! Galing!" si Tricia.

"Astig ng ikot mo, Ash!" si Bea.

Tsk!

"Ky! Sunod ka agad kay Ashi habang sumasayaw. Tapos Xand, sunod ka agad kay Kyla bago kayo hahataw!" sabi pa ni Aika.

Ginawa agad ni Kyla at Xandra tapos ay humataw kami. Ito 'yong part kaniya-kaniya ng steps para humataw.

"Wohh! Galing! 'Yan! Sige, todo mo pa, Ash! Galingan mo pa, Ky! 'Yan 'yan! Xand, todo mo pa! 'Yan ganiyang nga! Wohhh! Tapos... one... two... three! Pakk!!" sigaw pa ni Aika saka nag post na muna kami.

Sila na uli ang susunod na magpractice sa step nila.

"Woohh!! Galing niyo!" nakangiting sabi pa ni Aika at Tricia.

"Oo nga, ang bilis niyong matuto, ahh!" nakangiting sabi pa ni Bea.

"Sanay na sanay grabe!" sabi pa no'ng isa pa namaming kasama.

"Hehehe. Hindi naman." nahihiyang sabi pa ni Kyla.

"Anong hindi? Girl, kung iba pa 'yon kanina malamang nasa intro pa lang tayo! Pfft!" sabi pa ni Aika saka nagtawanan sila.

Pilit na tumawa na lang din si Kyla at Xandra. Tahimik lang akong uminom ng tubig.

"Ayy! Ang tahimik naman ng astig ng taon, oh! Hahaha!" natatawang sabi pa ni Tricia natawa na lang din sila.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon