chapter 5 " third encounter"

406 42 19
                                    

Ashi Vhon's Pov.

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kama ko dahil sa nakabukas na bintana. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago bumangon.
Nakita kong si Kyla pala ang humawi sa kurtina kaya pumasok ang sinag ng araw.

"Good morning. Buti gising ka na, pasado 6:00 am na may pasok pa tayo." Nakangiting sabi niya.

"Mmm." Tangong sagot ko.

"Sige na, maligo ka na. Bababa na ako, tutulungan ko si Xandra sa breakfast natin." Nakangiting sabi niya.

"Okay," sabi ko sabay tayo at naglakad patungo sa banyo.

Narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Lumabas na pala siya. Hinubad ko na ang mga damit ko bago binuksan ang shower at naligo na. Mga 20 minutes bago ako natapos sa pagligo at agad na akong nagtapis ng towel saka lumabas ng banyo.

Kumuha ako ng isang itim na t-shirt at itim na maong na pants bago nagbihis. Kinuha ko ang itim na sapatos ko saka sinuot iyon.

Naglotion lang ako saka kinuha ang kulay blue na bag at lumabas na ng kwarto ko. Mahilig ako sa itim kaya mag-iitim na naman ako. Pagbaba ko nakita ko silang naghahain na ng pagkain sa mesa.

"Good morning, Ash! Kain na tayo," nakangiting bati ni Xandra.

"Morning din," bati ko saka umupo na rin at sumandok ng kanin.

"By the way, 'yong tungkol sa nangyari kahapon baka gantihan ka ng lalaking 'yon." Nag-aalalang sabi ni Xandra.

Nag-aalala lang 'yan sa posibling mangyari. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Oo nga, saka 'yong babaeng sumagi sa 'yo, bully daw 'yon." Nag- aalalang sabi rin ni Kyla.

Alam kong nag-aalala lang sila dahil bago pa lang kami may kaaway agad. Tapos sabi namin iiwas kami sa gulo pero 'di nangyari 'yon.

Iba ang nangyari. Lintik na mga makitid na utak na 'yon. Dagdag lang sila sa mga isipin ko.

Tsk!

"Don't worry, I can handle it. Iiwas na lang uli tayo." Seryusong sabi ko.

Tumango sila pero halata pa rin ang pag-aalala sa mukha nila. Kahit na sanay na sanay na kami sa gano'ng mga eksena ay nag-aalala pa rin sila. Lalo na't bago pa kami sa school na 'yon.

"Okay, basta nandito lang kami, ah." Nakangiting sabi ni Xandra.

"I know," tipid kong sabi.

Nagkibit-balikat na lang sila at nagpatuloy kami sa pagkain.

"Oo nga pala, gagamitin niyo na ba ang motor niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Mmm. Para naman mas astig," tangong sabi ni Xandra sabay tawa.

Tsk!

Pagkatapos naming kumain nagtutulungan pa rin kami para madali. Nang matapos na sabay kaming lumabas ng bahay at ni lock ito. Agad kaming nagtungo sa garahe saka umangkas sa motor namin.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon