chapter 53 " Hospital"

186 14 2
                                    

A/N: hello Blueeems!!Good day! By the way, please enjoy reading and please support me guyzz.

____________________________________

Keith Pov.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa nangyari. Ni hindi ko maramdam ang sakit sa likod at mukha ko dahil masyadong occupied ang isip ko para maramdaman ang sakit.

Hindi talaga ako makapaniwala na ito ang mangyayari sa 'min sa gabing ito. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa 'yon ni Kiana sa kaibigan namin.

Akala namin mabait siya pero tama pala ang kutob kong sasaktan lang niya ang kaibigan namin. Tulad lang din pala siya ni Trixie. Ang pinagkaiba lang ay nasaktan si Drix physically at pati kami!

Naalala ko 'yong sinabi ni Ashi no'ng minsang nasa hallway kami. Naintindihan ko na kung ano ang ipinapahiwatig niya. Pero paano niya nalamang gano'n ang mangyayari? Eh! Ni wala man lang siyang paki sa paligid niya. Psh! Kakaiba talaga si Ashi!

At ang mas higit na hindi ako makapaniwala ay 'yong ginawa nila kanina. Gulat na gulat talaga kami kanina sa ginawa nilang tatlo. Kung paano napatumba ni Ashi ang limang lalaki kanina ng hindi namamalayan ng iba. Kung paano niya hinawi ang dalawang lalaki na nakahawak kay Drix at niyakap ito dahilan para siya ang tamaan sa baseball bat na kay Drix sana ihampos no'ng Luke kuno.

Nagulat din ako sa pagsapak ni Xandra do'n sa Bogs na 'yon. At ang mabilis nilang pagkilos na sinapak ang dalawa pang lalaki na hinawi ni Ashi na nakahawak kay Drix kanina no'ng muntik na silang hampasin dalawa. At ang mabilis na kilos ni Kyla at sinapak ang lalaking nakabantay kay Keart.

Lahat 'yon hindi ko mapaniwalaan ngunit 'yon naman ang nakita ko--namin. Masyado silang mabilis na animo'y sanay at mga lalaki sila kung kumilos.

Hindi ko akalaing gano'n sila kabilis at higit sa lahat hindi ko akalaing may kakayahan sila sa gano'n. Dahil mga babae sila. Ngayon lang ako nakakita ng mga tulad nila.

Tama nga kami mas magugulat at mas nakakamangha ang susunod na malalaman namin sa kanila. Sariwa pa rin sa paningin ko ang lahat ng nangyari kanina.

At alam kong nasasaktan ang kaibigan namin dahil halos dalawang buwan siyang nanligaw. Hindi niya akalaing gano"n ang hantungan ng panliligaw niya sa babaeng napakabait kung tingnan. Na animo'y hindi makabasag pinggan psh!

Naiinis ako sa kaniya! Sana sinabi niyang may syota na siya para hindi na siya ligawan pa. Hindi sana umasa at nasaktan ang kaibigan namin. Hindi lang emotionally kundi physically ding nasasaktan ang kaibigan namin.

Naiinis at galit talaga ako kay Kiana. Dahil pati kami nadamay sa kagagawan niya. Ginawan niya ng estorya si Drix na hindi naman niya ginawa psh!

Nakahiga pa rin ako dito sa patient bed. Katatapos lang ng paggamot sa 'kin. Magkatabi lang ang mga kama naming tatlo. Tulala lang si Drix habang ginagamot ng nurse ang sugat at pasa sa mukha niya. Siya ang maraming pasa at hampas.

Si Keart naman ay tapos ng gamutin at nasa gilid niya si Kyla. Kahit pa nakatakip ang mukha nila kanina nakilala pa rin namin sila. Dahil sa mga suot at boses nila.

Si Xandra namay ay katabi ni Ashi. Seryuso lang ang mga mukha nila habang nakapikit si Ashi. Mukhang pagod sila, ahh. Sabagay sino ba naman ang hindi.

Kababaeng tao sila pa 'yong nagligtas sa'min. Kundi siguro sila dumating, ewan lang kung ano ng nagayari sa 'min ngayon. Mabuti na lang at dumating sila.

Maya-maya ay dumating na ang doctor na tinawag ng nurse. Agad itong lumapit sa 'min at tiningnan ang kalagayan namin.

"Tapos na po naming linisin ang mga pasa nila Doc. Bien, may mga hampas sila sa likod. At ang isang to ay may hampas sa tuhod." sabi pa nong nurse.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon