A/N: Hello blueem babies!! By the way, plsease enjoy reading and do support me guyzz.
Don't forget to Vote, comment and Follow
____________________________________
Ashi Vhon Pov.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tawanan sa baba.
Tsk!
Ingay-ingay kainis!
Pupungay-pungay ang matang bumangon ako. May pasok pa kami. Thursday na ngayon at sa Monday na ang program sa school psh!
Nakaramdam ako ng sakit ng katawan dala siguro ito sa practice namin kahapon at sa trabaho.
Malapit na naming matapos ang sayaw namin. Madali lang naman sa 'min n ang mga steps kaya madali lang kaming matuto.
Naalala ko 'yong sa archery kahapon.
Napangiti na lang ako. Kahit na halos isang taon na akong hindi naglalaro no'n magaling pa rin ako.
Salamat sa nagturo sa 'kin. I miss her already.
Hayssstt!
Kinuha ko ang tubig sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko saka uminom. Pagkatapos ay tumayo na ako at kumuha ng twalya bago dumeretso sa banyo.
Ilang minuto lang ay natapos na ako kaya nagbihis na kaagad ako. Pagkatapos ay kinuha ang bag bago lumabas na ng kwarto.
Pagbaba ko nakita ko sila sa kusina.
Napatingin ako sa lalaking nakatalikod.
Tsk! Kaya pala ang ingay-ingay. Nagtatawanan pa rin sila tsk!
"Ingay-ingay niyo tsk!" seryusong sabi ko bago umupo sa tabi ni Jiro.
"Good morning, Sweety." nakangiting bati niya.
"Tsk! Walang good sa morning ngayon psh!" masungit na sabi ko pa.
"Aga-aga ang init ng ulo mo, Ash." sabi ni Xandra.
"Tsk! Sino ba kasing matutuwa sa sobrang ingay niyo?" seryusong sabi ko.
Napatahimik na lang siya.
Alam naman nilang ayaw ko sa lahat ang maiistorbo ang tulog ko psh!
"Ahh, sensiya na, Ash si Kuya kasi," pilit ngiting sabi pa ni Kyla.
"Anong ako? Kayo nga ang maingay, eh." kunwaring busy sa cellphone na sabi pa ni Jiro.
Tsk!
"Anong kami? Ikaw kaya 'tong maingay pagdating dito." giit pa ni Xandra.
"Oo nga, tahimik kaya kami kanina." sabi pa ni Kyla.
Tsk tsk!
"Ahh, kaya pala kung maghabulan kayo kanina ay napakatahimik niyo." sarcastic kunwaring sabi pa ni Jiro.
"Ahh, eh 'di naman Kuya," nangingiting pilit na sabi pa ni Kyla.
Tsk! Ingay kainis.
Nagtimpla na lang ako ng kape saka kumuha ng tinapay.
Umupo uli ako saka kumain ng tinapay sabay inom ng kape at hindi na sila pinansin.
"Tuloy ka mamaya, Kuya?" tanong pa ni Kyla kay Jiro.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...