chapter 89 " Acquaintance party "

199 23 2
                                    

Ashi Vhon's Pov.

Hingal na hingal kaming lahat na bumaba ng stage pagakatapos ng sayaw at nagtungo sa dance club. Mabilis na nagpalit ng damit yung iba na sasali sa party.

Nakaupo lang ako dito sa upuan habang bumabawi ng lakas. Hoo!

Kapagod, ahh!

"Ash! Bihis na!"sigaw sa 'kin ni Aika.

Tiningnan ko siya. Nakagown na siya off-shoulder black gown with limited edition na watch!

Hmm! Mayaman rin to, ahh!

"Hindi na. Hindi ako nagdala, ayaw kong magsuot ng gano'n. Hehehe." pilit na tawang sabi ko.

"Nah! Pa'no mo ma enjoy ang party niyan!" sabi pa niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Ayos lang, hindi naman ako mahilig sa mga party." sagot ko.

Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Halata ngang hindi ka mahilig sa party. Pero payts na ang suot mo hehehe." sabi pa nito saka ngumiti.

Napapailing na natawa na lang ako.

"Woahh!"

"Ang ganda!!"

"Kaloka! Teh! Ang gundo niyoooo!" tili pa ni Mello.

Napatingin kami sa sa gawi ng dressing room.

Kakalabas lang nila Xandra at Kyla.

Ang ganda nila bagay sa kanila ang mga suot nila. Simple lang din ang make up nila.

White tube gown with pearl necklace at high heels ang suot ni Kyla. Ang gandan niya!

Habang si Xandra ay black backless gown at higheels na kulay black din. Mas lalong lumitaw ang kaputian niya.

"Wow! Ang ganda niyoo!" sabi pa ni Nathan.

"Ang ganda." sabi pa ni Brix.

"Oo nga." sang ayon pa ni Firm.

Ngumiti lang sila saka lumapit sa 'kin.

"As usual, beautiful yet elegant." nakangiting sabi ko sa kanila.

Ngumiti naman sila at hinila ako.

Oh! Oh!

"Thanks hehehe. Hali ka, magbihis ka na." sabi pa ni Kyla.

"Here. Suotin mo 'to!" sabi pa ni Xandra sabay abot sa 'kin ng dress na kulay itim.

Backless ito at hanggang tuhod ko ang haba.

Umiling naman ako. No!

Ayaw kong magsuot niyan. Tiningnan ko ang suot ko. Ayos naman cool nga, eh.

"No need. Ayos na 'tong suot ko." sabi ko pa.

Pinandilatan nila ako ng mata pero tumanggi pa rin ako.

"Sige na, Ash. Ngayon lang 'to, eh." pilit pa nu Kyla.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon