chapter 64 " comlab"

175 16 2
                                    

A/N: please support me guyzz in this story.

Ashi Vhon Pov

Kakarating lang namin sa parking lot ng school ngayon. Mabilis na nagpark kami at bumaba ng motor. Sabay- sabay din kaming naglakad palapit sa gate.

Nakapamulsang naglakad ako habang nakahawak sa strap ng bag ko ang kanang kamay.

Blanko lang ang mukha ko habang ngumunguya ng doublement.

Bigla akong napatingin sa gate. At nagtama ang mata namin ni Bisugo psh! Nag-iwas agad siya ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

Nang makalapit kami sa kanila ay agad na bumati ang tatlo sa 'min maliban kay Bisugo.

Tango lang ang naisagot ko sa pagbati nila sa 'kin saka tiningnan si Bisugo. Parang kinakabahan ang loko psh!

Hindi ko na lang siya pinansin at naunang baglakad. Agad na sumunod sila sa ''kin.

"Ahm... Ash, ayos ka na ba?" biglang tanong pa ni Lyle na tumabi pa sa 'kin.

Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

"Bakit? Hindi ba ako maayos!" blankong tanong ko pa.

Napalunok pa siya bago napakamot sa batok niya bago nagsalita.

"A-ahh, hindi naman sa gano'n, akala ko kasi hindi ka okay. Kahit papa'no ay nag-aalala rin kami sa'yo lalo na sa nangyari kahapon." napakamot batok na sagot pa niya.

Tsk!

Napabuntong-hininga na lang ako.

Psh!

Ayos lang ako hindi por que nangyari 'yon kahapon ay hindi na ako magiging ok tsk!

"Tsk! Ayos lang ako. Normal lang sa 'min ang gano'ng pangayayari. Sanay na ako salamat na lang sa pag-aalala." blankong sabi ko pa.

Napatango na lang siya.

"Kahapon no'ng umalis ka sa D.O saan ka nagpunta? Hinanap ka pa namin kahapon." biglang tanong pa niya uli.

Psh! Bakit naman niya natanong? Psh! Hinanap? Tsk!

Bumuntong-hininga na naman ako bago nagsalita.

"Umuwi," maikling sagot kon.

"Ahh," tanging sabi niya psh!

Hindi na siya nagsalita at tumahimik na lang siya.

Seryusong naglalakad na lang ako. Rinig na rinig ko pa ang mga bulungan nila psh!

"Oh my God! Nand'yan na sila!"

"Oh my! Kasama nila ang apat kyahhh!"

"Oo nga, grabe 'no? Bigtime pala si Ashi."

"Oo nga, hindi ako makapaniwala!"

"Grabe! Akalain mo. Akala ng lahat mahirap at dukha sila pero mayayaman pala!"

"Oo nga. Balita ko ang Ibañez Family ang pinaka mayaman dito sa Makati."

" 'Yon din ang alam ko."

"Hindi ko inakalang anak at apo pala siya ng mga Ibañez."

"Hindi naman kasi halata. Simple lang sila tingnan."

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon