A/N: hello mga readers hope you enjoy reading. Please support me guyzzz in this story.
Don't forget to Vote, comment and Follow
____________________________________
Drixon Pov.
Kakaalis lang nila Panget at naiinis ako psh! Buti pa sana hindi na lang sila dumalaw kung aalis lang din naman agad psh!
"Kahit 'di tayo friends psh!" inis na bulong ko pa na ginaya ang boses ni panget tsk!
Kailangan pa talagang sabihin hindi kami friends? Tsk! Hindi naman talaga kami friends tsk!
Ka bwiset!
"Ayos ka lang, dre?" biglang tanong pa ni Keith psh!
"Hindi," deretsang sago ko psh!
Kainis kasi 'yong Panget na 'yon ang yabang talaga psh!
"Dre, alam naming nasasaktan ka sa nangayari lalo na sa ginawa ni Kiana sa'yo pero sana huwag mo masyadong isipin 'yon sa ngayon. Alam naman naming hindi madali 'yong nangyari sa'yo." biglang sabi pa ni Keith.
The heck!?
Hindi naman 'yon ang inisip ko, eh psh! Bwiset kasi 'yong Panget na 'yon tsk!
Pero do'n ko lang uli naalala ang tungkol kay Kiana at sa 'kin psh!
Nawala na sana sa isip ko, eh pero pinaalala pa tse!
Hanep!
Nakaramdam na naman tuloy ako ng sakit sa dibdib ko. Hindi pa naman ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa nangyari sa 'min at sa ginawa ni Kiana sa 'kin.
Lagi kong pinaniniwala ang sarili ko na hindi niya ako magagawang saktan, eh! Pero higit pa sa sakit ang ibinigay niya sa 'kin.
Muntik pang masira ang mukha ko dahil ginawa ng hayop niyang syota na 'yon. Hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung papa'nong harapin ko siya sa Monday. Nagtetext siya sa 'kin kagabi at ngayon hindi ko 'yon nerereplayan.
Naiinis ako sa kaniya. Natutunan ko na sana siyang mahalin, eh! Pero sinaktan lang niya ako. Double pa ang sakit ang dulot niya sa 'kin.
Halos dalawang buwan ko na siyang nililigawan pero wala naman akong napansin na may syota na siya. Wala namang kaduda-duda. Bukod lang do'n sa ayaw niya akong payagang ihatid siya sa kanila. Kahit magdate man lang ay hindi rin. Kung nakasama ko man siyang kumain sa labas 'yon ay 'yong kahapon no'ng lunch.
Tinananong ko pa nga siya no'ng unang araw na niligawan ko siya. Kung pwede bang manligaw ang sabi niya Oo. Minsan na rin siyang tinananong ng mga kaibigan ko kung walang magagalit pero sabi niya wala.
Tapos ngayon ito pa ang napala ko dahil sa pagsisinungaling at panloloko niya sa 'kin. Ako na nga 'yong niloko ako pa 'yong agrabyado. Nadamay pa pati ang mga kaibigan ko!
All of a sudden nagmukha lang pala akong tanga kakaligaw sa kaniya.
Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko kaya napapikit ako ng mariin. Gusto kong umiiyak pero 'di ko magawa. Gusto kong sumigaw pero 'di ko magawa.
"Kuya? Are you, ok?" tanong pa ni Drixie.
Hindi ko siya pinansin at tumitig lang ako sa kisame. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako.
Lintek na pag-ibig na 'yan!
Hindi ba pwedeng pasiyahin naman siya ako. 'Yong hindi ako iiyak, malulungkot dahil nasasaktan na naman ako.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Ficção AdolescenteAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...