A/N: Konnichiwa!
Good day! Hope you enjoy reading guyzz!
____________________________________
Drix Pov.
Nakatingin lang kami kela panget at Kathy na nag-aaway. Blanko lang ang mukha niya at parang walang kwenta ang kaharap niya kung makatingin ito.
Tse!
Wala kang mababakas na anumang emosyon sa mukha nito. Nakakatakot kung tutuosin ang mukha niya. Dahil 'di mo mabasa kung ano ang laman at takbo ng isip niya. Kung makatingin siya ay akala mo isang malaking walang kwenta ang kaharap pati ang paligid niya. Wala siyang pakilaalam.
Anong klaseng babae ba 'to?
Psh!
Halos kaming lahat ay nakatingin sa kanila. Mapapasinghap at mapapaiwas ka na lang ng tingin kapag nagsasalita siya habang walang kabuhay-buhay ang mukha at ang lamig pa ng boses niya.
Pa astig din, eh 'no? 'Di naman siya astig psh!
Pero nang ngumisi siya kanina.
Bahagya pa akong natigilan kanina no'ng ngumisi siya kahit na sarcastic ang dating. First time kong nakitang ngumisi siya. Nakakakilabot ang ngising 'yon. Halatang walang kinatatakutan base sa pananalita at blankong mukha nito.
Aish!
Hindi dapat ako matatakot sa panget na ito, eh!
Pero---
Nakakatakot talaga kapag nakatingin siya sa'yo lalo na kung sa mga mata mo siya titingin. Parang ayaw mo na uli makita ang mga matang 'yon.
Tama nga siya, hiindi siya kilala ni Kathy. Wala siyang kinaktakutan. Mangha akong tumingin sa kaniya tuwing mabilis ang kilos niya. Lalo na ng walang kaihirap-hirap na pigilin nito ang kamay ni Kathy na dadapo sa mukha niya.
Napasinghap pa kami kanina no'ng sinampal niya si Kathy pabalik gamit ang saliring kamay ng huli.
Wala rin siyang ka-interes interes sa mga sinasabi pa ni Kathy. Hindi siya natatakot sa mga sinasabi ni Kathy kanina. Bukod sa 'min, kinatatkutan din si Kathy dito dahil bully ito. At kaya niyang gawin lahat ng gusto niya. Kaya walang naglakas-loob na kalabanin din siya tulad namin, pwere nalang sa 'min.
Binigyan ko 'yan ng leksiyon pero 'di nagpatinag kaya hinayaan na lang namin. Hindi rin makakrating sa Deans Office kasi natatakot magsumbong ang mga binully niya. Pero matitinag naman siya kung ako na ang magagalit.
Pero ngayon...
Ngayon nakikita ko sa mga reaction niya na nasisindak siya ni Panget.
Tse!
Napapiling na lang ako.
May mahaba pang sinabi si Panget bago tumalikod kay Kathy at kinuha ang bag niya sabay lakad palabas ng Cafeteria.
Tinawag pa siya ng mga kasamahan niya pero 'di ito lumingon man lang. Sumunod na lang sa kaniya ang mga ito hanggang sa makalabas sila ng cafeteria.
Muling umingay ang kaninang tahimik na cafeteria. Nanatiling nakatayo si Kathy kung saan siya iniwan ni Panget.
Halatang galit at takot siya.
Psh!
"Grabe! Nakakatakot si Ashi!" rinig kong sabi pa ni Keart.
"Oo nga, kahit na 'di mo mababakas sa mukha ang galit, matatakot ka naman sa uri ng tingin at blankong mukha niya." sabi pa ni Keith habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang magkakibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/246059751-288-k81059.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Fiksi RemajaAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...