chapter 79 "Arcade"

163 18 0
                                    

Ashi Vhon Pov.

SUNDAY MORNING

Sarap na sarap pa akong natutulog ng makaramdam akong may tao sa silid ng kwarto. Hindi ako kumilos at pinakiramdama ang presensiya niya.

Palihim na napabuntong-hininga na lang ako ng makilala ko.

Ano na naman ang ginagawa nito sa kwarto ko!

Gusto ata niyang maihagis sa palabas ng silid ko tsk!

Nanatili akong nakadapa sa kama ko at hindi kumilos.

Tsk!

"What are you doing here?" seryusong tanong ko pa ng hindi kunikilos.

Ramdam kong napalingon ito sa 'kin at alam kong gulat na naman tsk tsk!

"Psh! Lakas talaga ng pang amoy at pakiramdam mo 'no?" sabi pa niya saka tumawa.

Agad na akong bumalikwas nang bangon at sinamaan siya ng tingin.

"Oh oh! Aga-aga galit agad? Psh!" ngingisi-ngising sabi pa nito.

Lalo ko lang siya sinamaan ng tingin.

"Bakit ka nandito? Alam mong natutulog 'yong tao pumasok ka pa! Kung gusto mong makatikim ng sapak sabihin mo lang. Hindi 'yong nang iisturbo ka ng tulog!" inis na sabi ko pa sa kaniya.

Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko.

Nginiwian niya naman ako.

"Sige na, baba na ako 'wag ka ng magalit. Ayaw kong makatikim ng sapak mo baka sa hospital ang bagsak ko." nakangiwing sabi pa ni saka lumapit sa pinto." Ahh, bumangon ka na d'yan may lakad tayo." habol pa niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Napapailing na lang ako at tumayo. Dumeretso na ako sa banyo saka naligo na.

Saan naman kami pupunta? Psh!

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako pagkatapos ay bumaba na.

Salubong ang kilay na bumaba ako at tumingin sa isa pang lalaki na kasama nila.

Sinong may sabing ipaalam ang bahay namin? Ang mokong na to talaga!

"Why are you here?" salubong ang kilay na tanong ko habang nakatingin kay Liam.

Ngingiting napakamot naman siya sa batok niya.

Tiningnan ko si Jiro. Napakamot din siya sa ulo niya.

"A-ahh, sumama ako kay Jiro hehehe." plit tawang sabi pa ni Liam.

"Ahh, gusto niyang sumama, eh kaya sinama ko na. Kaibigan naman natin siya. Don't worry, hindi niya ipinagsasabi na nandito kayo nakatira." pilit ngiting sabi pa ni Jiro.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso sa kusina saka nagtimpla ng kape.

Kulang na lang malaman na nila lolo kung saan ako nakatira psh!

Kainis!

Kumiha ako ng sandwich saka dinala sa sala namin sabay upo sa single na sofa at inilapag sa maliit na mesa ang kape at sandwich ko.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon