Drixon's Pov.
BLANKO at seryusong tumingin si Panget kay Deb. Kahit pa blanko at seryuso ang mukha ni Panget ay nababasa at nakikita ko pa rin ang lungkot lalo na ang sakit sa mga mata niya. Ngayon ko lang nagawang basahin o kakitaan ng emosyon ang mata nito.
"Anong sabi mo? Hindi pa tapos ang lahat? Ha!" Sarkastikong tumawa si Panget. Pero mahahalata ang pait sa boses niya."Papaano mo nasabing hindi pa tapos ang lahat?" Seryusong tanong ni Panget.
'Dahil nag-iisip daw siya.'
"Dahil hindi naging malinaw at hindi tayo nag-kausap para masabi mong tapos na ang lahat." Basag ang boses pero seryusong sagot ni Deb.
*Pakkk!!!
(0_0) kami.
Nagulat kami nang sampalin ng pagkalakas-lakas ni Panget sa pisngi si Deb.
Napasinghap kami at napa-iwas ng tingin. Nakita ko pa kung paano napaatras at tumabingi ang ulo ni Deb sa lakas ng sampal ni Panget. Halata ang panggigigil sa mukha at kamay nito.
"Alam mo? Umalis ka na lang baka hindi ako makapag-pigil at masaktan pa kita lalo!?" Nagtitimping sabi ni Panget.
Bakas ang galit at pagtitimpi sa kaniya na para bang anumang oras ay sasabog na siya.
*Lunok.
Bumagsak ang luhang nag-angat ng tingin si Deb kay Panget.
"Saktan mo na lang ako hanggang kaya mo. Hindi pa rin ako aalis dito hangga't hindi kita nakakausap." Basag ang boses at humihikbing saad ni Deb.
(-_-) Panget.
(0_o) ako.
Napa-iwas na lang ako ng tingin at nagtama ang mata namin ni Keart.
Bakas ang pag-alala sa mukha nito. Napahinga na lang ako ng malalim at nakita kong gano'n din ang iba.
Maliban kay Xandra na parang nanlilisik ang mata sa galit.Natigilan ako at napa-isip. Gano'n ba katindi ang napagdaanan ni Panget na sakit para ganiyan na lang ang galit ni Xandra sa ex ng pinsan niya?
Siguro nga.
Masakit nga ang ginawa ni Trixie sa 'kin noon na hindi ko pa siya girlfriend. Nanliligaw pa lang pero niloko ako. Si Panget pa kaya na nobyo mismo ang nang-iwan at nagbigay ng matinding sakit sa kaniya.
'Shit! Alam na alam ko ang gano'ng pakiramdam na masaktan.'
Kahit pa kunti lang ang kwenento ni Panget sa 'kin ay alam kong masakit talaga ang ginawa ni Deb. Ramdam ko nga ang sakit no'ng sabihin niya 'yon sa 'kin sa archery club.
"Samantalang ako." Sabi pa niya at mapait ulit na ngumiti.
"Samantalang ako ay iniwan sa ere kung saan mas kailangan ko siya. Kung saan siya ang kelangan ko para damayan ako. Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko siya ang masasandalan ko sa lahat ng problema ko. Akala ko naiintindihan niya ako sa sitwasyon ko. Akala ko buong puso niyang tanggap at naiintindihan ang kalagayan ko. Akala ko... akala ko dahil mahal niya ako ng higit pa sa inaasahan ko ay hindi niya ako magawang iwan." Mapait itong ngumiti habang nakatingin pa rin sa labas."Pero lahat ng 'yon ay akala ko lang pala, ang masakit ay mali pala ang lahat ng akala ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/246059751-288-k81059.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Novela JuvenilAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...