Chapter 9 " work hard"

338 35 14
                                    

Kyla's Pov.

PASADO alas-kwatro y medya pa lang ng hapon ngayon. Kakarating lang namin dito sa bahay galing sa--- hehehe bawal ko sabihin secret lang muna baka malintikan ako ni Ashi.
Nandito ako sa sofa naka-upo habang dumeretso ang dalawa sa taas sa kwarto nila. Napagod ata sila kanina. Kahit ako napagod din ako grabe ang lakas din kaya ng mga 'yon!

Hayst!

Tumayo ako saka pumasok sa kusina magluluto na lang ako ng hapunan kasi papasok pa kami sa resto mamaya. Nagluto na lang ako ng adobong manok habang nagsaing ng kanin. Mga 30 minutes ng matapos ako sa pagluluto.

Hinanda ko na lang sa lamesa ang mga pagkain bago umakyat sa taas para tawagin ang dalawa.
Pag-akyat ko agad akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Xandra. Binuksan naman niya ang pinto at poker face na tumingin sa 'kin.

"Kain na tayo may pasok pa tayo mamaya." Nakangiting sabi ko.

Tipid na ngumiti lang siya saka tumango at lumabas ng kwarto niya.

"Mauna ka na tatawagin ko lang si Ash," sabi ko at naglakad na patungo sa kwarto ni Ashi.

Kumatok a ako ng tatlong beses pero hindi naman niya binuksan ang pinto. Mukhang nakatulog ata ang isang 'to.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

Nakita ko siyang nakadapang humiga sa kama niya. Napagod nga talaga siya kanina. Kawawa naman 'tong kaibigan ko haysstt.

Pagod rin naman ako pero alam kong mas pagod sila dahil mas marami 'yong sa kanila kanina. Lumapit ako saka dahan-dahang tinapik ang balikat niya.

"Ash, gising na kakain na tayo. Wuy! May pasok pa tayo ngayon sa resto," mahinang sabi ko.

Agad naman siyang gumalaw saka bumalikwas ng higa at tumingin sa 'kin. Bahagya pa siyang nag adjust ng tingin dahil sa ilaw.

"Kain na tayo," nakangiting sabi ko.

Tumango na lang siya bago bumangon. Sabay kaming lumabas ng kwarto niya saka bumaba at nagtungo sa kusina.

Naabutan naming naka-upo na si Xandra sa harap ng hapag at hinihintay kami. Agad na kaming umupo at nagsimula nang kumain.

"Napagod ako ro'n, ah." Basag ni Xandra sa katahimikan.

"Mmm." Sabi ni Ashi.

"Sino ba namang hindi mapagod, eh andami no'n!" Sabi ko.

"Oo nga, pero buti na lang natapos din." Sabi pa ni Xandra.

"Wala na bang iba pang nag-aya?" Tanong pa ni Ashi.

"Wala na, hindi na nag-text sa 'kin si Clark." Sagot ni Xandra.

"Hindi na rin nagtext si Ate," sagot ko.

"Ok," maikling sabi ni Ashi at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain naghugas na ako ng pinggan. Pinunasan naman ni Xandra ang mesa habang dumeretso si Ashi sa taas dahil may gagawin pa raw siya.

Maya-maya tapos na ako sa paghuhugas at nagtungo sa kwarto ko para magbihis na rin.

Malapit na ang time namin para sa trabaho.  Nang matapos ay lumabas na ako saka bumaba nakita ko ang dalawa na nakaupo sa sofa.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon