A/N: hello guyzzz! please support me po sa story na'to!
____________________________________
Lyle Pov
Inis na inis ako kay Drix dahil na naman sa ginawa niya kay Ashi. Loko talaga ang ugok na'to!
Alam naman niya ang kakahinatnan niya kapag gumawa pa siya ng kalokohan kay Ashi.
Hindi ko talaga maintindihan ang mokong na'to tss!
Kanina pa hirap na hirap sila Ashi sa pagtanggal ng upuan at hila sa palda nito. Pero ayaw talaga.
Mukhang ibang klase ng glue ang
ginamit ng loko tss!Halata sa boses at mata ni Ashi kanina ang galit. Grabe ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Lalo na kaninang umaga. Nanlilisik ang mga mata niya. Bakas ang inis sa mga sigaw niya. Loko talaga tong mokong na'to eh!
Hayst!
Alam kong mahirap tanggalin ang palda niya sa pagkakadikit sa upuan. At kailangan lang itong pwersahan na hilahin. Pero baka masira ang palda niya. Maikli pa naman ito.
Mukhang kumalma na si Ashi at mahinahon na ang pagsasalita niya.
"Tanggalin mo 'to o basagin ko ang bungo mo?" Blankong tanong pa niya. Napalunok uli pa si Drix at di parin umimik. "Pag ako nagalit uli babalian talaga kita ng buto." Mahinahong sabi pa niya.
Nakaramdam ako ng takot at kilabot sa sinabi niya. Halatang seryuso at hindi nagbibiro.
Napalunok pa ako, knowing that she can do it. Makakaya niyang gawin kung ano man ang mga binibitawan niyang salita.
"H-hindi ko a-alam p-pa'no." Utal utal na sabi ni Drix.
Tss!
Loko ka kasi!
Kung hindi mo sana ginawa yun tss!
Badtrip talaga 'tong mokong na'to psh!
Agad na akong lumapit at sumunod naman si Keith. Sumunod na rin si Keart na hinila pa si Drix na halatang takot psh!
Yan napapala mo!
Sinabihan ka na kasi ayaw pang makinig tss!
"Ang hirap tanggalin." Sabi pa ni Kyla.
"Oo nga." Sabi pa ni Bella.
"Bakit mo ba kasi ginawa to!" Halatang inis na sabi pa ni Xandra na masama ang tingin kay Drix.
Tiningnan ko ang pagkakadikit ng palda niya sa upuan. Masyadong dikit na dikit ang palda niya. Kapag pwersahang hilahin ang upuan masisira ang palda niya. Pero kung huhubarin niya ang palda niya magiging madali lang. Pero halatang ayaw niyang hubarin ito. Baka maikli ang suot niyang shorts o baka--tss!
"A-ahh, ganito nalang, pwersahin nating hilain ang upuan baka sakaling matanggal." Sabi ko kay Ashi.
Napabuntong hinga nalang siya bago tumango.
"Sige." Sabi pa nito.
"Keith and Keart, tulungan nating hilahin ang upuan. Drix, hawakan mo ang palda ni Ashi at hilahin mo rin, tulongan niyo siya." Sabi ko pa kay Drix at sabay tingin kela Xandra at Kyla.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...