chapter 49 " life is complicated"

169 19 4
                                    

A/N: wushooo!! Hello sa inyong lahat!!
By the way guyss please support me guyss.

Xandra Pov.

Kinabukasan

Maaga akong nagising ngayon dahil hindi naman kami nagduty kagabi kasi pagod na kami. Dagdag mo pang masakit ang likod ni Ashi dahil sa paghampas sa kaniya ng unggoy na si Alvin psh!

Naawa talaga ako sa pinsan kong 'yan. Kung ano-ano na lang ang nararanasan niya sa buhay. Hindi talaga ako natutuwa sa mga nangyayari sa kaniya.

Andami-dami na niyang problema na dinadala nadagdagan pa sa school. Nabwebwesit talaga ako sa mga studyante na makikitid ang utak psh!

Grabe sila makahusga at makapanlait ng tao. Por que ba mahirap kami dahil sa mga suot namin lalaitin na nila kami?

Tss!

Sampalin ko kaya sila ng pera sa panget nilang mga mukha psh!

Ayaw na ayaw pa naman namin sa mga gano'ng tao. Nakakabwiset kasi 'yon, eh.

Kahit hindi sabihin sa 'min ni Ashi alam kong mas nadagdagan pa ang mga problema niya ngayon.

Ayaw niya lang sabihin sa 'min dahil ayaw niyang makialam at madamay kaming kaibigan niya.

Handa naman na kaming tumulong sa kaniya, eh. Ayaw lang talaga niya psh!

Kahit alam naming matatag at matapang siya hindi pa rin namin maiiwasang mag-aalala sa kaniya. Lalo na tuwing mag-uusap sila ni Kuya Jiro. At tuwing binubully din siya sa school.

Sa totoo lang nanahimik lang kami pero sa loob-loob namin gusto na naming bigwasin anhgmga 'yon. Kung hindi lang talaga magagalit si Ashi na makikialam matagal ko nang binigyan ng leksyon ang nga 'yon tsk!

Buti na lang kagabi pumayag siyang huwag na lang munang pumasok sa resto bar.

Kinausap din kami ni Kuya kagabi tungkol sa nangyayari sa 'min sa school. Buti na lang hindi siya nagalit ng todo psh! Dragon pa naman magalit 'yon tss!

Pero mas dragon si Ashi pag galit!

No'ng tiningnan namin ni Kyla ang likod niya. Bakat na bakat "yong baseball bat sa likod niya.

Alam kong masakit 'yon. Pero tiniis lang niya psh!

Gano'n siya, eh. Akala mo lang hindi siya nasasaktan pero alam naming nakakaramdam din siya ng sakit.

Tss!

Lagi na lang lapitan ng gulo ang pinsan kong 'yon. Iwas siya nang iwas tapos lapit naman nang lapit ang gulo psh!

Baliktad na na ang sitwasyon.

Uminom na muna ako ng tubig bago pumasok sa banyo para maligo na. Friday na ngayon at weekends na naman bukas psh!

Agad na akong naligo pagkatapos ay nagbihis. Nang matapos ay bumaba na ako. Gising na pala si Kyla at nakangiti pa ang gaga psh!

Mabiro nga.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nakatalikod siya kasi may ginagawa siya.

Nang makalapit ako ay...

"Bulagaaaa!!" panggugulat ko sa kaniya.

"Ayy anak nang pitompong kabayo ka!" gulat na sigaw niya dahilan para humagalpak ako sa tawa.

"Hahahahaha!!" malakas na tawa ko habang napahawak pa sa tyan ko.

Ang epek ng peys niya buwhahaha!!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon