chapter 54 "Dalaw"

183 18 3
                                    

A/N: hello guyzz please support me guyzz in this story!

Ashi Vhon Pov.

Pagod na naupo ako sa sa sofa namin dito sa bahay. Kagagaling pa namin sa resto bar. Pasado alas-onse na ng gabi. Pumasok kami sa trabaho pagkagaling namin sa hospital kanina.

Ramdam ko ang pagod sa buong araw na 'to. Halos manlata na ako sa pagod.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kapagod. Napapikit na lang ako habang sumandal sa sofa. Nasa kusina si Kyla habang at nasa kwarto naman si Xandra. Nagpapalit ata ng damit psh!

Naalala ko na naman ang nangyari kanina at no'ng nasa hospital kami. Hindi ko inakalang nando'n siya. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko kanina nang magtama ang mga mata namin. Nakakaramdam din ako ng sakit sa dibdib ko nang marinig ang boses niya.

Halos isang taon ko na siyang hindi nakita. Halos isang taon ko na siyang hindi na kasama dahil hindi na pwede at hindi na mangyayari. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko hanggang ngayon. Kahit sa trabaho kanina naging balisa ako. Hindi ko alam ang gagawin hanggang ngayon.

Hindi ko enexpect na magkita pa kami at do'n pa talaga sa hospital tsk! Mukha naman siyang ok na ok psh!

May nakikita akong emosyon sa mukha niya pero hindi ko kayang bigkasin. Dahil ayaw kong maniwala. Ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko kanina sa mga mata niya.

Napapikit na lang ako ng mariin. Nandito na pala siya sa pinas. Bumalik na pala siya. Isang taon na ang nakalipas simula ng iwan niya ako sa ere. Isang taon na ang nakalipas ng iwan niya ako kung saan mas kailangan ko siya.

Pero iniwan niya ako at lumipad papuntang U.S at do'n nag-aral ng med. Pero bakit bumalik na kaagad siya? Hindi pa naman siya tapos dahil third year college pa lang siya.

Bakit pa siya bumalik dito? Psh! Malamang dahil sa girlfriend niya psh!

Nagiging bobo na ata ako ngayon tsk!

Sumasakit na naman ang ulo ko sa dami ng iniisip ko tsk!

"Uminom ka muna ng tubig, Ash," rinig kong sabi pa ni Kyla.

Nagmulat ako saka inabot ang tubig na hawak niya. Pababa pa lang din si Xandra at nakabihis na.

Agad kong ininom ang tibig at inilapag ang baso sa maliit na mesa namin. Sumandal uli ako at pumikit.

"Ayos ka lang ba?" rinig kong tanong pa ni Xandra.

Nanatili akong nakapikit at hindi sumagot sa kaniya.

"Ash, are you, ok?" tanong pa ni Kyla.

Napabuntong-hininga na lang ako saka dumilat at nagsalita.

"Ayos lang," malumay na sagot ko pa at bumuntong-hininga uli.

"Tch! You're not, dahil ba 'yan sa hospital kanina?" deretsang tanong pa ni Xandra.

Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang.

Bakit kasi do'n ko pa siya nakita. At bakit pa kasi ngayon ko pa siya nakita tsk!

Pagod na ang utak ko kakaisip tsk! Kapagod din mag isip psh!

"Ash, alam naming hindi ka okay at alam kong dahil 'yon sa mga nangyari ngayong araw. Lalo na 'yong sa hospital kanina, tapos hindi ka pa nagpatingin kanina sa doctor. Baka kung anong mangyari sa'yo." nag-aalalang sabi pa ni Kyla.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon