chapter 75"Sagutan"

176 18 0
                                    

Chapter 78 " Sagutan"

A/N: hello po expecting some wrong grammars and typos here po.


Ashi Vhon's Pov.

Nandito kami ngayon sa labas ng clinic. Nasa loob nakahiga si Brix habang inaasikaso ng nurse.

Nakasandal lang ako sa bubong ng clinic habang ang iba ay naka upo sa bench sa harap ng clinic.

Hindi ko ininda ang kunting kirot ng likod, binti at hita ko. Inis na inis talaga ako sa hayop na 'yon!

Hindi talaga nadala kung hindi pa 'yon nakatakbo kanina baka na sampulan ko na siya!

Ka buset!

Nanahimik 'yong tao biglang nanghihila.

Kung hindi lang talaga ako nakapag timpi ha!

Ewan ko lang!

"Oh? Ayos lang ba si Brix?" tanong pa ni Bella kay Nathan ng lumabas ito ng clinic.

Napabuntong-hininga pa siya bago nagsalita.

"Ayos naman na siya pero masakit pa rin ang tuhod niya. Sabi ng nurse ipa X-ray ang tuhod niya pero ayaw niya. Kaya raw niya tsaka hinanap ka niya." sabi pa ni Nathan sabay tingin sa 'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako saka tumango.

"Pwede rin ba kaming pumasok?" tanong pa ni Xandra.

"Oo naman," sabi pa ni Nathan.

Agad na akong pumasok sa loob saka lumapit sa kama ni Brix.

Nakahiga siya at nakapikit.

"Ayos ka lang?" seryusong tanong ko kay Brix.

Agad naman siyang nagmulat ng mata at tumingin sa 'kin.

"Oo, ayos lang ako." nakangiting sabi pa niya.

Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni Brix.

Tiningnan ko ang tuhod niya namumula ito at bakas ang palo ng tubo aa tuhod niya.

Alam kong masakit ito dahil sa may banda ng pressure point ang tabma ng tubo.

"Magpa X-ray ka." seryusong sabi ko pa.

Hinawakan naman niya ang braso ko.

Ramdam kong nakatingin silang lahat sa 'min psh!

"Ayos lang ako, hindi naman ako napuruhan ng todo. Isang hampas lang 'yon. Ikaw dapat ang mag pa X-ray dahil tatlo ang tama mo." nag- aalalang sabi pa nito.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ano? May tama ka rin? Bakit hindi mo sinabi?" inis na tanong pa ni Xandra.

Tiningnan ko lang siya saka tumingin kay Brix.

"Ayos lang ako---"

"Bakit hinayaan mong matamaan ka?!" inis na tanong naman ni Kyla.

Napapailing na lang ako.

Ang mga OA psh!

"Ayos lang ako---"

"Tch! Sagutin mo na lang ang tanong ko." seryusong sabi pa ni Kyla.

Tsk!

"Ahh---nakita namin kasi kanina na biglang pinalo si Ashi sa likod habang naglakad paalis sa locker at nakita namin sila Alvin. Hinila nila si Ashi patungo sa likod ng building ng college kaya inutusan ko sila Firm at Nathan na tawagin kayo bago sinundan ko sila Alvin." biglang sabi pa ni Brix. Tsk!

"Ano? Tch! 'Yong unggoy na 'yon!" inis na sabi pa ni Xandra.

Tsk!

"Tapos, no'ng nasa likod na ay hinampas uli siya sa binti no'ng akmang tatayo siya at hinampas uli siya hita." patuloy pa ni Brix.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon