chapter 85 " biro"

169 19 2
                                    

Drixon's Pov.

Nagmumukmok lang ako rito sa loob ng kwarto ko ngayon. Nakahiga habang nakatitig sa kisame. Marami akong iniisip ngayon at sumasakit na ang ulo ko tse!

Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng inis at badtrip sa sistema ko. Dagdag mo pa 'yong mga walang kwentang pinagsasabi ni Kiana kanina no'ng nag-usap kami sa loob ng kotse ko.

Nabwibwisit ako sa mga pinagsasabi niya! Tse! Matapos ng panloloko niya sasabihin pa niya sa 'kin ang mga 'yon psh!

Tinbay!

Flashbacks!!!

Nauna akong naglakad papunta sa parking lot para do'n kami mag usap ni Kiana.

Nakasunod lang siya sa 'kin habang tahimik lang ito. Kahit batrip at naiinis ako ay pilit kong pinigilan dahil kahit papano'y babae siya at tama si Panget. Dapat kausapin ko siya ng maayos.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nagtataka ako kung bakit 'yon sinabi ni Panget kanina. Kausapin si Kiana para tumigil na psh!

Pagkarating sa parking lot ay pumasok ako sa kotse ko at hindi na siya pinagbuksan ng pinto. Kusa siyang pumasok at umupo sa passenger seat.

Natahimik kami at walang nagsasalita. Animo'y pinapakiramdaman namin ang isa't isa.

Napabuntong-hininga pa ako bago tumingin sa kaniya. Tahimik na nakayuko lang siya habang magkahawak ang mga kamay niya tse!

"Spill it now." blankong sabi ko pa.

Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin at lumingon sa 'kin. Nagtama ang mga mata namin. Halata ang lungkot, sakit at pagmamakaawa sa mukha at mata niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"Drix."

"Just say it now."

Walang lingong sabi ko pa sa kaniya. Rinig kong bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"I'm sorry for what happened. Nalaman ko na kung ano ang ginawa nila Luke sa inyo. I'm really sorry----"

Tse!

"Nangyari na, eh! Ano pang magagawa ng sorry mo?"

Putol ko sa sasabihin niya. Nilingon ko siya at tinitigan sa mata.

Napayuko na lang siya.

"I'm r-really s-sorry. H-hindi ko alam na gagawin nila 'yon sa 'yo--sa inyo. Akala ko----"

"Akala mo ano? Ha? Ano?"

Pigil ko pa sa kaniya. Mas nangibabaw ang inis ko ngayon.

"A-akala ko h-hindi nila 'yon m-magagawa sa inyo. B-but I was w-wrong. I thought he's a good guy. Matagal ko na siyang kilala hanggang sa m-maging..."pabiting sabi pa niya." Hanggang sa maging boyfriend ko siya." patuloy pa niya.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"That's the thing! Why didn't you tell me that you're taken? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit sa dalawang buwan ng panliligaw ko ay wala kang sinabi! Eh, sana hindi na umabot sa ganito!" inis na sabi ko.

Parang uminit ang ulo ko at arghhh!

Kung hindi lang siya babae kanina ko pa siya nasapak tse!

"Drix, please... sinabi ko naman na sa'yo ang dahilan ko, 'di ba----"

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon