A/N: hello Blueeems! Enjoy reading!
Ashi Vhon's Pov
K I N A B U K A S A N
*Saturday morning!
Kakatapos ko lang maglaba habang sila Xandra ang naglilinis ng bahay. Matapos kong isampay lahat ng nilabhan ko ay pumasok na ako sa bahay.
Kita kong pagod na naupo si Xandra sa maliit naming sofa. Agad na akong lumapit do'n saka umupo na rin.
Palabas naman si Kyla sa kusina at may dalang juice at tinapay.
"Meryenda na muna tayo, kapagod maglinis, eh." sabi pa niya sabay upo sa single na sofa namin.
Kumuha na lang ako ng baso at nagsalin ng juice at kumuha ng tinapay.
"Tapos ka na sa paglalaba, Ash?" tanong pa ni Kyla sakin.
"Mmm." tangong sagot ko.
"Ako naman ang maglalaba ngayon." sabi pa ni Xandra.
Tumango na lang ako. Mamayang hapon pa ang duty namin sa KJMAX resto bar. Kaya gagawin namin lahat ng gawain namin ngayong umaga. Pero tapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin tsk!
Tahimik na nagmeryenda lang kami hanggang sa matapos na. Tumayo na ako saka umakyat sa taas para maligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagsuot ako ng sapatos. Sinuklay ko ang buhok bago tinali. Nakasuot rin ako ng maong na coat.
Cool!
Tsk!
Agad ko ng kinuha ang susi ng motor ko at lumabas ng kwarto.
"Oh? Saan ang lakad mo?" tanong pa ni Kyla na nanonood ng tv sa sala namin.
Tsk!
Nakataas pa ang dalawang paa sa maliit na mesa namin psh!
"D'yan lang," maikling sabi ko at pumasok sa kusina para uminom ng tubig.
"Saang d'yan lang?" rinig kong tanong pa ni Kyla.
Psh!
Kulit ng isang to tsk tsk!
"D'yan lang sa tabi-tabi may pupuntahan lang ako." sagot ko paglabas ng kusina.
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
Tsk!
"Kapag hindi pa ako makakauwi hanggang alas-dose mauna na kayo sa resto. Do'n na lang tayo magkita." sabi ko pa at naglakad na palabas.
Rinig ko pang nagmamaktol siya pero 'di ko na siya pinansin pa.
Mabilis akong sumampa sa motor ko at pinaandar ito saka umalis na.
Medyo mabagal lang ang takbo ng motor ko dahil may tinitingnan ako.
Nang makakita ako ng mini mart ay pumarada muna ako saka pumasok sa loob.
Pumili ako ng mga pagkain at important needs.
Pagakatapos ay binayaran ko na lahat sa counter. Apat na plastic bag lahat.
Medyo may kabigatan pero kaya ko naman. Agad na akong lumabas saka lumapit sa motor ko.
Akmang sasampa na ako nang may makita akong nagtitinda ng mga laruan. Iba't ibang klase ng laruan at may mga damit na nakahanger sa katabi niyon.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Novela JuvenilAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...