A/N: hello po sa lahat!
Ito na po si panget na author charooootttt!!!By the way please enjoy reading and please support me guyzzz.
____________________________________
Ashi Vhon Pov.
Kakaalis pa lang naming sa parking medyo mabagal lang ang takbo ng motor namin dahil pagod pa kami. Nakasunod lang ang dalawa sa 'kin.
Nag-focus lang ako sa pagdrive habang ang dalawa naman ay mukhang nag-uusap pa.
Maya-maya ay medyo may kalayuan na kami sa school. Madilim na rin ang paligid. Ang mga ilaw mula sa mga kabahayan at mga ilaw sa poste lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Hindi rin traffic ngayon dahil iilan lang din ang mga sasakyan ang nakikita namin.
Medyo late na rin kami sa trabaho pero ayos lang naman. Naiintindihan nila Mina at Joyce kasi alam naman na nilang sumali kami sa dance group ng school namin.
Fous lang ako sa kalsada at pagdrive ng masulyapan ko sa 'di kalayuan ang mga kotseng nakaharang sa daan.
Pilit kong inaaninag kung anong meron pero 'di ko masyadong makita dahil sa nakaharang na mga kotse.
Napatingin pa ako sa huling kotseng nakaharang pamilyar sa 'kin ang kotseng 'yan, ahh
Teka, kay Keart na sasakyan 'yon, ahh! Ramdam kong napansin rin ng dalawang nasa likuran ko ang mga kotseng 'yon.
"Hala! Kela Keart ang kotseng 'yon, ahh!" rinig kong sigaw pa ni Kyla.
"Oo nga. Anong ginagawa nila d'yan? Bakit nakahinto sila, eh iilan lang ang mga kabahayan dito, ahh!" sigaw pa ni Xandra.
Bigla akong nakaramdam ng kunting kaba. Kanina pa 'to pero 'di ko pinansin.
Medyo binilisan ko ang takbo ng motor ko at gano'n din ang dalawa.
Pilit kong tiningnan ang nasa unahan kung saan may nakaharang doon. Isang dalawang itim na kotse ang nakaharang. Kaya pala 'di maka daan ang mga ugok na 'to psh!
Malapit na kami sa kotse ni Keart nang makarinig ako ng sigaw. Mukhang hindi maganda ang kutob ko, ahh! Mabilis kong inihinto ang motor ko sa gilid bago bumaba. Hinubat ko ang helmet ko at sinabit sa motor ko.
Gano'n din ang dalawa. Dahan-dahan akong sumilip sa harap at...
(0_0)
Bakit may mga lalaking nakaitim? Bigla na naman akong kinabahan ng makilala ko ang nga ito. Pilit kong inaninag ang mga ito at tama nga ako.
Mabilis akong bumalik sa kinaparadahan ng motor ko at sumenyas sa dalawa. Nagets naman nila kaya mabilis kong binuksan ang toolbox ng motor ko at kinuha ang isang tela na sinadya kong ilagay doon.
Mabilis kong itinakip sa mukha ko at gano'n din ang dalawa. Mabilis na sinara ko ang toolbox at saka sinyasan ang dalawa.
Dahan-dahan kaming naglakad habang papalapit sa sasakyan ni Bisugo. Sumilip pa ako at sininyasan ang dalawa na sa kabila sila kaya mabilis silang umikot sa sasakyan ni Bisugo.
Nakita kong hawak ng dalawang lalaki si Bisugo. Nakatalikod sila kaya 'di ko makita ang mukha ni Bisugo. Nakaharap sa kaniya ang isang familyar na lalaki habang galit na galit. May hawak itong baseball bat at gano'n din ang iba pa.
Medyo nakatagilid sa 'kin ang iba pang kasamahan nila. Bigla akong napatingin sa lupa nang makita kong may nakahandusay at si Keart pala. Sininyasan ko sila Kyla at Xandra at agad silang kumilos.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...