chapter 29 "Disciplinary Office"

188 19 2
                                    

A/N: Konnichiwa! Please support me guyzz in this story po!

____________________________________

Ashi Pov.

Kakatapos pa lang naming kumain ng biglang magsalita si Bella.

"Ahh, oo nga pala... pinapatawag kayo ni Dean sa disciplinary office ngayon." sabi pa niya.

Hindi na lang ako kumibo. Peste kasing bisugo na 'yan, eh!

Buset hindi na sana ako pumatol pa kanina para 'di na mapatawag pa.

Tsk!

Wala rin namang mga kwenta ang sasabihin nila psh! Gusto ko pa namang matulog muna sa harden.

Lintik!

"Anong oras?" tanong ni Kyla.

"Pagkatapos nating kumain." sagot ni Bella.

"Eh, tapos na tayo." sabi ni Stella.

"Oo nga, ano tara?" tabi pa ni Theresa.

Tsk! Daig pang sila ang pinatawag tsk!

"Gaga! Kakatapos pa nga lang 'di ba." sabi ni Stella sa kaniya sabay irap.

Psh!

Napapailing na lang ako.

"Kaya nga tara na." sabi pa niya psh!

"Gaga ka talaga! Syempre teh! Magpapahinga muna tayo, psh!" sabi ni Stella sa kaniya.

Natawa na lang sila Bella sa kanilang dalawa.

Iba rin ang trip ng dalawang 'to!

Tulad ng asungot na bisugong nasa likod ko. Isip bata at iba rin ang trip ng buhay psh!

Iniinis ko lang siya kanina--I mean alam ko namang sa kanila ang table na 'yon at kaniya ang upuan na inuupuan ko. Pinagtripan ko lang siya psh!

Now, feel na niya kung anong pakirdam ng pinagtripan.

Tsk!

Kala niya siya lang marunong mangtrip. Ha! Kung marunong siyang mangtrip mas marunong ako. Minsan nga dumating sa punto na hindi na magandang trip ko. Tingnan natin kung kaya pa niya akong pagtripan kapag ako na ang nantrip sa kaniya.

Ang lakas lakas ng loob mang trip tsk!

Nagalit talaga ako sa sinabi niya kanina.

Asungot at ugok din ano! Sino bang hindi magagalit. Mainit na nga ulo mo pinapainit pa ng lintek na trip niya.

Plakdang plakda pa ako kanina sa lupa psh!

Tapos sasabihin lang niyang trip lang niya 'yon psh!

Nayari tuloy tsk tsk!

Sa susunod kasi dapat siguraduhin niyang hindi wrong timing ang pantrip niya, para naman masabayan ko pa tsk!

Kahit papa'no nawala panandalian ang mga napag usapan namin ni Jiro kaninang umaga sa bahay.

Kaya lang nakakabadtrip kasi sa disciplinary office naman ang bagsak ko ngayon. Gunggong kasi 'tong ugok na isip bata tsk! Sarap talaga upakan ng bisugong asungot na 'yon.

"Tara na para makapasok pa tayo ng maaga." sabi ni Bella kaya tumayo na kami at lumabas na ng cafeteria.

Nakita kong papalabas na rin sila bisugo at sinadya ko talagang hinaan ang lakad ko.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon