chapter 17 "Sunday"

233 22 4
                                    

A/N:hello good morning!

(^___^)

Ashi Vhon's Pov.

Nasigising ako dahil sa init na tumama sa mukha ko. Nanatiling nakapikit ako dahil sa init. Kinusot- kusot ko muna ang mata ko bago tuluyang nagmulat.

Bumangon ako saka tiningnan kung saan galing ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napadako ang tingin ko sa bintana ng kwarto ko. Nakabukas na ito at nakahawi na ang kulay itim na kurtina.

Baka si Kyla ang pumasok kanina dito at nagbukas ng binta.

'Yon naman minsan ang ginagawa niya kapag makapasok dito sa kwarto ko.

Tumayo na ako saka tinupi ang kama ko bago kumuha ng twalya at dumeretso sa banyo. May lakad pala kami ngayon.

Madali lang ako natapos sa pagligo at nagsuot muna ako ng pambahay.
Nang matapos ay bumaba na ako at naabutan ko ang dalawa sa kusina. Nakahain na ang pagkain sa mesa.

"Oh! Gising ka na pala, good morning!" nakangiting sabi ni Kyla.

"Good morning, Ash!" nakangiting bati ni Xandra.

Tumango naman ako bago bumati pabalik.

"Morning," bati ko sabay upo sa upuan ko.

Kumuha naman ng baso si Kyla at nagtimpla ng kape.

"Ash, sasama raw si Kuya Jiro sa 'tin mamaya." nakangiting sabi pa ni Xandra.

"Oo nga, makakalibre na naman tayo ng pamasahe at pagkain mamaya hehehe!" sabi pa ni Kyla sabay abot sa 'kin no'ng isang basong kape.

Humigop muna ako ng kape bago nagsalita.

"Mmm," sagot ko.

Napangiti na lang sila saka umupo na rin.

"Anong oras tayo magsimba?" tanong ko pa.

"Hmm. Alas-nuebe para mas maaga tayong matapos at makapunta ng mall." nakangiting sagot ni Kyla.

Yeah.

"Yeah, may pasok pa tayo sa work mamaya." sabi ni Xandra.

Tinanguan ko na lang sila saka nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain--I mean ako lang pala. Kasi nag-uusap ang dalawa habang kumakain. Napatigil lang sila ng may biglang kumatok.

Hulaan ko si Jiro na 'yan psh aga, ah!

"Ako na nagbukas." sabi ni Xandra.

"Sige," sagot ni Kyla kaya naglakad na siya palapit sa pinto at binuksan ito.

Nakatalikod ako sa bandang pinto kaya 'di ko sila nakita.

"Good morning, girls!" bati niya nang makapasok.

Sabi ko na nga ba, eh tsk!

"Good morning Kuya, aga mo ata, ahh, eight pa lang, oh!" sabi ni Kyla saka tumawa.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon