____________________________________
Ashi Vhon Pov.
Kakapasok pa lang namin sa loob ng school at nag-iingay na naman ang mga bubuyog tsk!
Hindi na sila nagsawa pa tsk!
"Ewww!! Nandyan na ang mga basura."
"Oo nga, yuks!"
"Hindi sila nababagay sa school na 'to!"
"Yeah, so eww!"
"Ang cheap pa nila!"
"Yeah, mukhang taga squatters!"
"Oo nga, di bagay sa kanila 'yong uniform natin."
"Hoy! Bagay kaya sa kanila."
"Oo nga. Mas bumagay pa nga kesa sa inyo duh!"
"Yeah, kung maka saway kayo kala niyo maganda kayo!"
"Savage! Wala naman kayo sa kalingkingan nila, oh!"
Napangiti ako sa isip ko. Kahit papa'no may mga matitino pa dito sa school na 'to tsk!
"How dare you!"
"Ang kapal ng mukha mong pagsabihan kami."
"Oo nga, duhh sila ang wala sa kalingkingan namin."
"Yeahh, mga dukha pa."
"Hoyy! Kung maka dukha kayo para naman kayong hindi galing sa hirap psh!"
"Yeah, 'wag kayong feeling, kasi mukha kayong pwet ng unggoy!"
Pfftt!
Good!
"Hahaha! Ang harsh ni girl." natatawang bulong ni Kyla.
"Mmm. Buti may matitino pa dito." sabi pa ni Xandra.
"Yeah, right." sagot ko na lang.
Nagpatuloy na lang uli kami sa paglalakad at hindi na pinansin pa ang mga nagbubulungan.
Kahit na may mga good comments mas marami ang bad comments psh!
Naglalakad kami sa field, hindi naman mainit kasi maaga pa kaya dito na muna kami dumaan.
Tahimik lang kami at nakapamulsa ako tulad ng dati at may cap na nakabaligtad sa uli ko. Ngumunguya ako ng doublement habang kumakain ng lolipop si Kyla. Habang si Xandra naman ay chewing gum.
Ganito kami. Kapag pumupunta kami sa school noon. Laging may nginunguya. Kadalasan ay lolipop, chewing gum at doublement ang ngunguyain namin. Mas machi-chill kami pag gano'n.
Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad sa field ng sa kasamaang palad ay nakasalubong namin ang kamalas-malasang impakta kasama ang mga alagad niya psh!
"Oh! Look who's here!" sarcastic na sabi pa nito habang nakataas ang isang kilay psh!
Sarap dukutin ng kilay niyang fake tsk!
"Kung minamalas nga naman, makakasalubong ka ng impakta, tsk!" bulong ko na halatang narnig niya dahil sumama ang mukha niya---I mean lalong sumama ang mukha niya tsk!
Halata talagang retokada, eh 'no psh!
"What did you say?!" inis na tanong nito.
Paulit-ulit pre? Tsk!
Tapos english? Abah! 'Di bagay sa kaniya mag english.
"Hindi ko ugali ang paulit-ulit, kaya kung ano man ang narinig mo bahala ka na do'n." walang ganang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Ficção AdolescenteAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...