A/N: hello po! Sinisipon si Author ngayon pero nagsusulat pa rin ako for updates!
Hope you enjoy reading and please support me guyss!
____________________________________
Ashi Vhon Pov.
Lunch break na ngayon at nauna na ang mga kaibigan ko sa cafeteria. Dumeretso lang muna ako sa locker ko. Ilalagay ko lang ang ibang gamit ko do'n. Kapagod magbitbit, eh psh!
Wala nang ibang students dito sa locker area. Malamang ay nasa cafeteria na sila.
Pagkatapos kong ilagay ay isasarado ko na sana nang biglang may pumigil do'n. Hindi ko 'yon nilingon at isasara na uli sana ang locker ko ng pahablot niya akong hinawakan sa braso ko at pilit iniharap sa kaniya.
Blanko ang mukhang tumingin ako sa kaniya at hindi nga ako nagkakamali siya nga psh!
Nakangisi siya habang hawak nang mahigpit ang braso ko. Nakita ko sa likod niya ang limang kasamahan niyang nakangisi ring nakatingin sa 'kin.
Umakto lang akong walang paki which is wala naman talaga akong paki sa kanila.
Akmang tatalikod na uli ako sa kaniya pero mabilis niyang hinawakan nang mahigpit ang balikat ko. Dahilan para maiharap niya uli ako sa kaniya.
"Wala ka talagang paki ano?" nakangising tanong pa niya psh!
Tanga!
Alam naman pa lang wala akong paki nagtatanong pa tse!
Hanep mag isip psh!
"Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?" sarcastic na balik tanong ko sa kaniya.
Nawala ang ngisi niya at unti-unting nagsalubong ang kilay niya.
Tsk!
"Mayabang ka talaga, eh 'no? Napaka walang kwenta mong kausap!" inis at seryusong sabi pa niya na katingin sa mata ko.
Sinalubong ko ang tingin niya at pinakita sa kaniya ang pamatay na tingin ko.
Nakita kong napalunok pa siya at mukhang natakot pero pilit niyang labanan iyon psh!
'Yon pa lang takot ka na, pa'no pa kaya kung ipapakita ko pa sa'yo ang bad side ko. Ssa tingin ko hindi ka na makakatayo sa sobrang takot psh!
"Aaminin kong mayabang ako pero hindi ko sinabing kausapin mo ako." deretsong sabi ko sa kaniya at lalong nagsalubong ang kilay niya kahit na napalunok na siya.
"Ginagalit mo talaga ako, eh 'no?Napakayabang mo na akala mo kung sino kang dapat na katatakutan! Isang hamak na babae ka lang naman at pwede kong gawin lahat ng gusto ko dahil tayo-tayo lang ang nandito." nakangisi ngunit salubong ang kilay na sabi niya pa.
Psh!
Paki ko kung kami lang dito?
Tsk!
Sinasayang lang niya ang oras ko peste!
"Wala akong paki kaya umalis ka harap ko. May gagawin pa akong mas importante kesa sa'yo." mariing sabi ko sa mukha niya.
Halatang inis na inis na siya dahil sa inakto ko psh!
"Hindi ka talaga natatakot sa 'kin ano? Psh! Sabagay, mayabang ka pero alam kong nagtatapang- tapangan ka lang naman." nakangisi at seryusong sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Genç KurguAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...