CHAPTER SIXTY FOUR

4 0 0
                                    


Rianne's POV





Nasa labas kami ng Room ni Dustin, hinihintay na lumabas ang doktor nya. Lahat kami halos hindi mapakali, kasama ko ang mama't papa nya, sina Karl at ate Nich sumama na rin.

Halos lumabas na ang puso ko dahil sa nangyayari kay Dustin ngayon. Natatakot ako baka hindi ko makayanan. Sinusubukan kong ilagay sa utak na makakaya nya to. Ilang oras pa bago lumabas ang doktor. Napatayo kaming lahat at lumapit ang magulang ni Dustin.

"K-kamusta po ang anak namin?" Nanginginig na boses sinalubong ng ni Tito ang doktor.

"Well... To tell you sir, kailangan nya ng dumaan sa surgery sa lalong madaling panahon. Habang nakukuha pang kumapit ng mga gamot sa katawan nya." Utas ng doktor.

Napabuntong hininga ang papa nya, ang mama nya naman napahagulgol na. Pati ako hindi ko na mapigilan ang paglagas ng mga luha ko.

"We need to take him as soon as possible!" Utas ng kanyang papa. Napayakap na si Tita sa kanya, si ate Nich naman pinapakalma si Karl.

Naglakad ako habang humahagulgol na rin, hindi ko alam kung saan ako pupunta, lutang at nangangatog ang tuhod ko, naninikip na ang dibdib ko, nawawalan na ako ng hangin. Napaupo ako dahil feeling ko matutumba na ako ano mang oras.

Binuhos ko ang sakit na nararamdaman ko, ilang sandali bago ko pinahid na ang mga luha. Nang inangat ko na ang aking ulo, di ko inaasahan nasa isang chapel ako. Napaluha nanaman ako.

Kung lahat man to ay may dahilan, tulungan nyo po akong lumaban kami. Wag nyo po syang hayaan. Pagalingin nyo po sya, kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko para sa kanya.

Agad akong napahawak sa ulo ko, nahihilo ako, kaya napahawak ako sa gilid ng upuan, bakit umiikot ang paligid ko? At parang may gustong lumabas sa bibig ko, napatakip ako ng bibig ko, At.... Gawd! Bat.. bat naduduwal ako? Wait... 2months na nga pala simula nung hindi ako nag period.

Bigla akong tumayo, hawak hawak ko tyan ko. Umiikot parin ang paningin ko, napahawak ako sa dingding. Unti-unting napaupo ako sa tabi.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Dinig ko, pero bat parang ang layo nya. Napapikit na ako kasunod nun wala na akong naalala.

~~~~

Minulat ko ang aking mga mata, napansin kong nasa isang room ako. Nakita ko ang isang nurse na nakatalikod.

"M-miss?" Tawag ko, agad syang lumingon. "Ano ang nangyari?" Taka kong tanong.

"Nawalan po kayo ng malay." Aniya.

"Bakit? May sakit ba ako?" Umupo ako at tatayo na sana ng magsalita sya.

"Ma'am, buntis po kayo for 1 months, nahilo po kayo at nawalan ng malay kaya po dinala kayo dito." Aniya. Napalaglag ang panga ko sa sinabi nya.. I'm having a baby? napahawak ako sa tyan ko. Napangiti ako but then napasisip akk, paano? Isang gabi lang naman 'yun.


"... but ma'am, you're heart has a hole." Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sinabi nya. Hole?


"What do you mean?" Taka kong tanong.


"Mahina po ang puso nyo, may possibiliteis na mahihirapan po kayo manganak. Kailanga nyo pong magpacheck up so that youd baby will not gef affected, ma'am." Ani ng nurse. Napabuntong hininga ako at naluha sa sinabi nya.


"Ma'am, nakakasama po sa inyo ang pag stress at lalo na ang pag-iyak." Ani ng nurse kaya tumango ako at pinahid ang mga luha ko.

Lumabas na ako ng wala parin sa sarili. Sasabihin ko ba sa kanya? O hindi na muna? Halo-halo ang emosyon ko sa mga oras na to, masaya ako at magkakababy na kami, nakakalungkot at hindi pa maasyos ang situasyon ni Dustin, at lalo na ang sakit sa puso ko.

Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto nya. Ilang segundo pa ako nakatayo lang sa harap at nakatitig sa doorknob, napahawak ako sa tyan ko saka bumuntong hininga. Sandali pa nung binuksan ko na ang pinto. Nakita ko syang nakahiga at kausap ang mama nya. Agad nya akong nakita.

"Gail, Sa'n ka galing? Sabi ni mama bigla ka lang raw nawala!" Aniya ng may pag-alala. Tumango lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Oo nga pala... bukas aalis kami papunta sa amerika. Magpapagaling ako, at pagbalik ko tutuparin natin ang plano natin. Hintayin mo ko ha? Gusto kong pagbalik ko, magsisimula tayo." Nakangiti nyang sabi. Tumango na lang ako at hindi na nakapag salita. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Pagbalik mo saka ko sasabihin ang lahat.


Hindi ko masabi na magkakababy na kami dahil sa kinakabahan ako. Sasabihin ko kapag maayos na ang situasyon.


"Heyy... are you alright?" Taka nyang tanong kaya tumango ako.

Kailangan ko na rin magpacheck up para naman hindi maapektuhan ang anak ko.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon