Rianne's POVPumasok na ako sa loob ng bahay, nakita ko naman si mama nagbebake. Siguru may umorder nanaman at sya ang gustong magbake.
"Ma?" Bati ko sabay yakap sa likod nya.
"Andyan kana pala. Kumain kana?" Alalang tanong ni mama. Nakayakap pa rin ako. Hmm gusto ko muna ng ganito, nabadtrip ako. Tss
"May problema ba anak?... Dahil ba sa school? Classmates? Friends? O baka... Si Andrew?" Utas ni mama, alam nya na rin ang tungkol saamin, sina papa at kuya rin, pero di pa nila nameet, si mama pa lang ang nameet ni Andrew, nung nililigawan nya pa ako, at nung naging kami ulit, dalawang beses lang sya pumunta. Nung nag debut ako, nagtravel lang kami ni mama sa japan, kasama sina Jess at Nikki, di naman kasi makakauwi sila papa, kaya pinili ko na lang ang mag travel. Enjoy naman, balak nga namin bumalik.
Niyuko ko na lang ang ulo ko sa balikat ni mama. Gusto ko sanang sabihin, pero ayoko din masira ang tingin nya kay Andrew.
"Wala po ma, pagod lang. Akyat na po ako, kumain na rin ako, kasama si Andrew." Utas ko sabay kalas sa pagyakap ko.
"Ganun ba? Sgi, pahinga kana rin." Utas nya sabay lingon at tapik nya sa braso ko. Ngumiti na lang ako at umakyat, binuksan ko ang pinto at pumasok na. Nagpalit at nagtoothbrush na para makapagpahinga na. Pagkatapos kong magtoothbrush, humiga na ako.
Hindi ako makatulog, may gumugulo sa utak ko. Uhgg! Bat parang nagiguilty ako kay Andrew. Tama naman yung ginawa ko diba? Kainis! Tama yun Rianne! Hayaan mo sya! Kahit mahal mo sya hindi pa rin tama yun! Pinikit ko na lang ang mga mata ko, pipilitin kong matulog! Maaga pa ako bukas.
****
Dustin's POV
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni mama habang nag i-ikot ikot sa sala. Nandito kami ngayon sa binili nilang condo.
"Malaki na to para sayo, pero gusto namin ng mama mo na hindi mukhang masikip." Singit naman ni papa na tumitingin sa labas ng glass window. Maganda sya, kahit medyo malaki para sa isang tao, pwede na. Nasa 11th floor ako, ayos sya, maganda ang view sa labas lalo na pag gabi. Yung kwarto ko malaki sya, malaki pa sa kwarto ko dun sa bahay namin. May c.r din sa loob ng kwarto at dito sa living room. Malaki rin ang kusina ko. Kompleto na lahat, puno na rin ang ref. Naka ayos na ang lahat. Kaya dito na ako uuwi pagkatapos ng classe.
"Ayos na po ito. Salamat po." Utas ko sabay tingin-tingin sa mga gamit.
"Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang kami, tsaka kapag inatake ka man, press mo tong red button sa side ng wall mo sa pinto ng kwarto ha? Mag ingat ka dito. Kumain ka sa oras ha? Umuwi ka ng maaga, ingatan mo sarili mo ha?" Pagalalang sabi ni mama. Nakakalungkot rin naman kasi, hindi na ako sa bahay uuwi, pero kailangan ko rin to, para matuto rin ako.
"Ma, heheheh wag po kayong umiyak, nandito pa rin naman ako sa pilipinas eh, tsaka iingatan ko po sarili ko para sa inyo. Susundin ko lahat ng bilin nyo." Ngiti kong sabi. Naluluha na sya. Niyakap ko na lang sya.
"Eto talaga mama mo, lagi kasing nanunuod ng drama eh! Hayaan mo na anak mo, kailangan nya din mabuhay ng wala sa anino natin, 19years old na yan." Utas ni papa sabay hawak sa balikat ni mama.
Hahah nakakalungkot din naman kasi eh, mamimiss ko luto nya. Ingay ni Karl. Hatid ni papa."Ma, bisithin ko lang kayo every weekend ha?" Ngiti kong sabi.
"Oh sya sige na! KJ ng papa mo eh, alis na rin kami, dadaanin pa naman ang mga relatives natin sa Tagaytay." Pagpaalam ni mama. Niyakap nila ako.
"Sige po. Ingat po kayo, salamat po." Utas ko, sabay kalas sa yakap nila. Ngumiti sila at lumabas na.
Rest day ko muna ngayon. Saturday, walang pasok...
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.