Rianne's POV
Naghanda na kami para sa byahe. Mamayang gabi kasi ang party ng pinsan ni Nikki. Andito na rin sina Jess at Ryan, kasama rin namin apat na pinsan nya, dalawang lalake at dalawang babae, sila ang sumundo saamin nina Jess.
Bumyahe na rin kami, medyo mahaba haba to, so ang gagawin ko ay matutulog na lang, si Nikki at Ryan tatawanan habang yung mga pinsan nya nagkukulitan si Jess naman busy sa tab nya. Van ng Pinsan ni Nikki ang sinakyan namin.
Pinikit ko na ang mata ko, 30 minutes na rin namam ang nakalipas simula nung umalis kami. Bigla kong naramdan ang pagvibriate na phone ko, agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag... si Dustin. Napangiti ako, kahit ang kulit pero ang cute, last ko syang kausapa kaninang 6am eh 1pm na kami umalis. Agad kong sinagot.
"Hello Baby loves, napatawag ka? Hmm miss mo na ako agad? Heheh" palambing nyang sabi. Pero napatigil ako ng marinig kong may umiiyak sa kabilang linya, lalaki pero hindi ito si Dustin.
"Ate Ria- sob*" napakunot ang noo ko, si Karl to. Nakaramdam ako ng kaba, bat sya umiiyak?
"Hello Karl? Bakit? Anong nangyari? Bat ka umiiyak?" Bulaslas ko, napatingin silang lahat saakin dahil sa taranta kong tanong. Gulat na nakatingin sina Jess saakin.
"Ate sob* si Kuya inatake nanaman ang sob* sakit" mangiyak ngiyak nyang sabi. Sandaling napatigil ang mundo ko, mabilis ang pag kabog ng puso ko. Si... Dustin.
"Ha?? San ospital? Sige salamat Karl." Pagkasabi ni Karl kung saan ospital mabilis kong pinapara ang sasakyan.
"Anong nangyari Rianne?" Gulat na tanong ni Ryan. At lahat sila nakatingin saakin at hinihintay ang sagot ko.
"S-si Dustin. Inatake nanaman sya" maluhaluha kong sabi. Mas tumindi ang kaba ko, nanginginig ang katawan ko, naiiyak na ako, nagpapanic na ang buong sisitema ko, hindi ko alam ang gagawin.
"A-ano? Ang akala ko ba-" tarantang sabi ni Ryan.
"Ihahatid kana namin!" Utas ni ng pinsan ni Nikki na syang nagmamaneho.
"H-hindi na, m-magtataxi na l-lang ako." Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Samahan na kita Rianne!" Utas ni Jess, pero mabilis ko syang pinigilan, ayokong sirain ang araw na dapat magpaparty sila.
"Hindi na Jess. Ako na lang ang pupunta. Ingat kayo sa byahe. Babalik na ako." Paalam ko at nag abang na ng taxi.
"Are you sure?" Sigaw ni Jess. Lumingon ako sa kanila at pinilit na ngumiti ayoko kasing maging dahilan para hindi sila tumuloy. Ako na ang pupunta dahil kailangan nya ako sa oras na to.
Nang pinara ko na ang taxi, kumay na ako sa kanila, at agad ko ng sinabi sa Driver ang address ng ospital.
After ng ilang minuto nakarating na rin ako. Agad akong nagbayad at bumaba, dali-dali ng pumasok at sumakay ng elevator, nasa 3rdfloor sya, pag bukas ng elevator hinanap ko ang kwato nya, hindi naman ako nahirapan kasi nasa 2nd room sya. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang mama at papa nya nakatayo. Hingal na hingal ako sa pagmamadali.
"Ate Rianne!" Tawag ni Karl sabay lapit saakin at niyakap ako niyakap ko rin sya. Naging malapit na sakin si Karl, dahil lagi kaming nagkukulitan pag sa bahay nila.
Napatingin saakin ang papa at mama nya, may lungkot sa mata nila, ang mama ni Dustin halatang kakagaling lang sa pag iyak.
"Si Kuya..." basag nyang boses na sabi. Hinaplos ko ang Likod nya.
"Your Kuya will be okay." Utas ko, kailangan kong magpakatatag para lumaban sya.
Ng kumalas na si Karl sa pagkayakap, Mabilis kong pinahid ang tumutulo kong luha. Pumasok na ako at tumabi sa mama at papa nya. Minasdan ko ang mahimbing na natutulog na Dustin.
"Kaninang umaga, aalis na sana kami ng bigla na lang sumakit ang gilid ng tyan nya." Malungkot na sabi ng mama nya.
"Ano pong sabi ng doktor?" Malungkot kong tanong.
"Ang sabi, normal lang yun. Pero kakailanganin nya ng 2nd surgery." Aniya. Lumabas muna ang papa ni Dustin at si Karl.
"Kailan raw po?" Ang pagkakaalam ko dumaan na sya sa surgery, hindi pa rin pala okay?
"3 years pa bago sumailalim ulit sa operasyon" aniya.
"Hindi po ba parang ang tagal? Baka po mas lala lang?" Malungkot kong sabi.
"May maintenance naman na binigay ang doktor na pwede syang takpan hanggang sa umabot na ang oras na ooperahan sya." Aniya. Mukhang mahihirapan sya pag ganun eh. Tinignan ko sya ng mabuti, hindi ko na napapansin, umiiba na ang katawan nya, hindi na tulad nung una ko syang nakita.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.