Rianne's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nag outing kami. Nag enjoy kami nung pagka second day, sa tatlong araw na yun, nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Pero nung pagbalik ko ulit sa real world bumalik ulit ang sakit dahil nalaman kong nililigawan na ni Andrew ang cheerleader ng school namin. Nakakainis nga pag naalala ko ang balita na yun napapaluha ako. Nasasaktan pa rin ako dahil ginawa nya akong tanga, para sa kanya ang bilis kong palitan.
"Bat ka nandito? San na sila Nikki?" Lumingon ako sa nagsalita. Si Dustin, Oo nga pala, simula nung nangyari sa dare akala ko hindi na kami magpapansinan dahil sa awkward feeling pero nagkakamali ako, pinansin nya pa rin ako na parang wala lang yun, kaya bakit ko pa iisipn yun. Wala naman talaga yun. Naging mas malapit kaming lahat.
"H-huh? Ah may classe sila eh. Ikaw? Wala ka bang pasok?" Taka kong tanong. Alam ko lahat sila walang vacant sa 11.
"Hindi nagmeet sa amin ang prof. Namin eh." Utas nya sabay upo sa tabi ko.
"Talaga? Eh diba bading yung prof nyo? Lagi kaya yun present dahil sayo!" Pangaasar kong sabi. Nalaman ko kasi ang tungkol dun dahil kay Harry.
"Yuck! Hahaha wag kang magbiro ng ganyan! Tumatayo balahibo ko!" Sabay ngiwi nya. Natatawa ako pag inaasar ko sya sa prof nya.
"Asuuuus! Kunwari ka pa! Ayaw mo nun? Mataas grado mo dun! Hahah" napahalakhak ako. Sabay tusok sa tagiliran nya.
"Hahaa no need! Kaya kong makakuha ng mataas na grado sa sariling sikap ko!" Tatawa tawa nyang sabi.
"Sus! Ang yabang!" Utas ko sabay hampas sa braso nya.
"Aw! Ang sakit nun ah!" Aniya sabay himas sa braso nya. Tumawa lang ako.
"Nagugutom ako. Tara!" Sambit nya sabay tayo ng nakapamulsa.
"Saan? Kakain ba tayo? Libre mo?" Nakangisi kong tanong.
"Saan? Sa malapit na restaurant lang. Kakain? Oo malamang, gutom nga diba? Libre ko? Sinong may sabi? Ikaw ang maglibre! Tara!" Sambit nya na nakataas pa ang isang kilay. Muntik pa akong mahulog sa upuan ko. Ang baliw na to! Ako pa ang ipapalibre!
"Nako! Ikaw na lang ang kumain! Tss." Inis kong sabi sabay tayo, maglalakad na sana ako ng bigla nya akong inakbayan.
"Hahaha I'm just kidding! Tara! Ako taya!" Nakangisi nyang sabi. Napatingin ako sa braso nya. Ano to? nararamdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko, last ko to naramdaman nung hinalikan nya ako ah!
"Huy? Okay ka lang" sabay yugyog nya sa magkabilang braso ko. See? Parang ang close na namin. Haha
"H-huh? Hahah Oo okay lang. Tara!" Sambit ko at nag una na naglakad. Gosh! Bat ganun?
"Teka lang Gail! Nangiiwan ka naman ng kasama eh!" Aniya.
"Hahah ang bagal mo naman kasi eh" utas ko.
"Hindi naman ako mabagal eh. Ayoko din naman kasi bilisan, everything takes time." Nakangisi nyang sabi. loa...ding pa ako. ngumisi sya ulit kaya natawa na lang ako. Baliw talaga!
"Ang huli sya ang manglibre!" Paghahamon ko sabay takbo.
"Gail wait! Hindi ako pwede mapagod." Aniya.
"Hindi pwede mapagod?" Napatigil ako sa pagtakbo at lumapit sa kanya.
"Hahaha ang huli sya ang maglilibre!" Aniya sabay takbo palabas ng gate. Tss. Ta mo to! Sira talaga!
At tulad nga ng usapan, ako ang naglibre. Nasa Restaurant kami, malapit lang sa school. Umorder na kami at after 10mins dumating na ang order, nagsimula na kaming kumain.
"Alam mo Gail, hindi ko mahanap ang rason para iwan ka ng Ex mo! Mabait ka, masayahin, matalino..." Nakangiti nyang sabi.
"At...?" Nakangisi kong sabi.
"At... Mabait, masayahin, matalino. Ano pa ba? Uhmm... Ah!" Mas lalong lumapad ang pagkangisi ko at hinintay ang idudugtong nya.
"At simple lang!" Nakangisi nyang sabi.
"Argg! Nakakainis ka! Nasaan na ang MAGANDA dun?!" Pagkukunwari ko na nagtatampo.
"Ahh Oo nga pala! Hahaha" utas nya sabay halakhak. Sira talaga to! Lagi nya talaga hindi sinasali yun ganda ko. Hahah
"Kaasar ka!" Irita kong sabi at sinubo na ang pagkain. Mga ilang minuto natapos na rin kami. Pero hindi pa kami umaalis. Nagkekwentuhan pa kasi kami. Ewan ko nga dito eh, kung anu-ano ang kinikwento nya, pati buhay ng pet nya. Hahah
Pero hindi ko inasahan ang makikita ko, muntik na malaglag ang mga mata ko sa nakita ko, si Andrew at ang napapabalitang nililigawan nyang cheerleader ng school namin ay nandito rin, naka akbay sya sa babae at nakapalibot ang isang kamay ng babae sa bewang nya, naalala ko ulit yung time na niloko nya ako noon, just the same feeling. Crap! Bat dito pa! Hindi pa ako handa na salubungin sila. Hindi ko na idedeny, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Kasi pinapamukha nya na kaya nya akong ipagpalit ng ganun na lang. Though hindi na gano'n ka sakit, pero gusto kong lumabas na pero hindi ako maka galaw. Nangangatog ang tuhod ko, feeling ko ano mang oras babagsak na ako.
"Come. Ayoko na dito." Nagulat ako sa biglang sulpot nya sa harap ko. It was Dustin. Mabilis akong tumayo at agad ng sumunod sa kanya.
Hindi ko alam anong gagawin pag nakikita ko si Andrew. Ewan ko kung bakit hindi ko magawang mag move on. Siguro dahil ba sa minahal ko nga talaga sya, ang tanga ko nga eh.
Naramdaman kong inakbay ako ni Dustin. Siguro dahil nakita nya si Andrew kaya nagpanggap nanaman sya. Napansin kong napatingin si Andrew, agad kong iniwasan ang tingin at mabilis kaming lumabas.
Nung medyo nakalayo na kami, tumayo ako sa gilid. Nakatingin lang ako sa mga paa ko. Gusto ng lumabas ang mga luha ko pero pinipigilan ko lang na huwag ilabas.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.