CHAPTER THIRTY FIVE

3 0 0
                                    


Rianne's POV

Hanggang ngayon, gulat at gulong-gulo pa rin ang utak ko sa nangyari kanina, maliit lang ba ang mundo namin para magkita ulit? Bat ganun? Tss.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong nilingon ang nagsalita. Si masungit lang pala. Feeling close na agad? Haha

"Hmm. Wala, gusto ko lang tignan ang dagat!" Utas ko saka binaling na ang tingin ko sa dagat.

"Alam mo ba nung una kitang nakita?" Nakangiti nyang sabi. Lumingon ako sa kanya. Ano raw? Unang nakita? Sa Bar ba?

"Huh?" Maikli kong sagot? Wala kasing lumalabas na ibang salita eh. Tss.

"Una kitang nakita sa dagat!" Utas nya sabay tingin sa dagat. 'Una kitang nakita sa dagat'... Una nya akong nakita sa dagat? Naguguluhan ako! Kelan? Saan? Pano?...
"Hahaha di mo na ata naalala. Well High school ako noon nung nakita kita." Dagdag nya, sabay tingin saakin.

"H-huh? Y-you mean?" Gulat kong sambit. Teka? Ibig sabihin...?

"Yeah. Yung muntik mo ng ubusin ang bato?" Nakangiti nya parin sabi. Shet! Nakakalusaw naman ang ngiti neto! Tss. Pero teka? Ganun? Hindi nga??? My grecious!

"Talaga? Ikaw yun?? Seryoso? Grabe! Bat ganun?" Hindi makapaniwala kong tanong sakanya. Ang liit naman ng mundo namin! Uhg

"Ewan nga eh! Baka kasi may purpose yung mga friends natin na mag meet sila." Nakangiti nya parin sabi.

"Imagine! Nung first kitang nakita, nakakahiya ang ginawa ko, lalo na nung second time, mas worst ang third time! Puro kahihiyaan lahat! Shet!" Utas ko sabay pukpok sa ulo.

"Well... Okay lang naman yun!" Utas nya, na nakatingin pa rin sa dagat.
"Nakakatawa nga kasi iisang reason lang pag magkita tayo!" Tumawa sya ng mahina. Tama nga sya! Iisang reason! At si Andrew yun! Ang walangya na yun! Uhg! Kaya nga ako sumama para kalimutan sya right? Tsk

"Ah... Oo nga!" Yun na lang nasabi ko, ayoko na kasi banggitin pa sya.

"You're Rianne Gail Sandoval, right?" Seryoso nyang sabi. Wait? Kilala nya ako? Baka naman?... Stalker ko sya?!!!

"Huh? Pano mo nalaman? Stalker ba kita?" Diretso kong tanong! Nakita kong tumawa sya.

"Hahahaha! Do I look like your stalker? Hahah I'm not!" Tatawa tawa nyang sabi. Loko to ah! Tss.

"Eh pano mo nalaman pangalan ko? Full name pa talaga huh!" Irita kong tanong. Malay ba! Mas mabuti nang klaro! Tss.

"Hahaha I saw your I.D, nung nasa kotse ka!" Ngiti nyang sabi. So sa I.D? Ganun! Nanggagalaw ng gamit ng hindi kanya? Ayos din ah!

"Tss." Yun na lang nasabi ko.

"Hahaha so I'm Dustin! Since kaibigan mo ang gusto ni Ryan kaibigan na rin kayo ng tropa. So dagdag nanaman ang friends namin." Ngiti nyang sabi, Sabay abot nya ng isang kamay na nakikipag kamayan. Agad ko naman tinanggap. Napangiti ako kasi tinanggap nila ako, atleast may mga bagong friends na kami. Nagkwentuhan pa kami about sa beach na pinuntahan namin, nirent pala to para lang makapag enjoy kami. First time ko ang pumunta sa ganitong lugar, yun bang isla tapos nakapalibot ang dagat. Grabe ah! Kung dito ako titira ewan ko lang kung kakayanin kong mabuhay. Naging friends agad kami kahit na ilang oras lang kami nagkakilala. Mabait kasi sya eh, nalaman ko rin na wala pala syang girlfriend, so? Hahah as if interested ako sa tanong ko! Pero di nya naman sinabi ang reason, basta na lang raw, nasaktan din pala sya, and until now wala pa syang girlfriend ayaw nya na raw magmahal. Ang dali nya naman sumuko. Pero ano kaya ang dahilan kung bakit sya iniwan.

"Pag nagmahal tayo, lahat gagawin natin! Nagpakatanga ako para sakanya!" Maluha luha kong sabi. Bumabalik nanaman ang sakit!

"Alam mo kasi, pag nagmahal ka, minsan kailangan mo munang magpakatanga para lang matuto. Hindi mo naman kailangan magkamali para iwan ka. Minsan kasi, kahit ginagawa na natin ang lahat, binigay ang lahat, nakuha parin tayong iwan ng mga taong mahal natin." Seryoso nyang sabi habang nakatingin sa kawalan.

"Siguru nga tama ka!" Seryoso kong sabi na nakatingin sa dagat.

"Kahit na sobra sobra natin silang mahal, nakukuha pa nilang ipagpalit tayo. Bakit kaya? Ang tanong na kadalasan, hindi nasasagot. Kaya nagiging mas masakit ang pangyayari, kasi hindi mo alam kung saan ka nagkulang o sumobra. Masakit? Oo. Para sa taong nagmamahal kagaya natin. Kaya, igive up mo na ang lahat ng sakit. I-enjoy mo ang tatlo at dalawang gabi dito. Halika! Mag 4 na, magsiswiming pa tayo kasama nila." Nakangiti nyang sabi. Napaisip ako ng malalim, may point sya. Mabait naman pala sya. Ang swerte naman namin magkaroon ng mga bagong mababait na kaibigan, rare ka lang kasi makakakita ng mabuting kaibigan lalo na pag lalaki eh. And akala ko talaga masungit sya at hindi pala kaibigan, pero kapag naka usap mo na, marami kang mapupulot na magandang advice. Iniabot nya ang kamay nya para makatayo ako, tinanggap ko at tumayo na.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon