Dustin's POV
Dingdong!... Dingdong!!... Dingdong!!!... Diiingggdooonnggg!!!
"Sandali!" Utas ko, sino ba yun! kung makadoorbell akala mo kanya! Tss. Kakaligo ko lang, mabilis akong nagtungo sa pinto. At agad ko na itong binuksan bago pa sumabog ang buong kwarto.
"SURPRISE!!!" Sigaw nilang tatlo, Oo yung tatlong kumag, nakakagulat naman ang pag sulpot nitong mga kabute, pano naman kaya nila nalaman na dito ako?
"Oh? Pano nyo nalaman condo ko?" Gulat kong sabi sabay yakap sa kanila, kahit basa. Haha
"Woah! Hahaha kami pa!" Utas ni Harry sabay pasok sa loob. Manggugulo nanaman dito. -_-
"Hahaha nalaman namin kay tito. Hahah tara inuman tayo!" Utas ni Ryan. So kay papa nila nalaman, di ko pa kasi sila sinabi na may condo na ako, manggugulo lang dito, tulad ngayon.
"Hahah mga sira talaga kayo! Dun kayo sa condo ni Trigger." Pangaasar kong sabi.
"Hahaha sawa na kami dun!" Tatawang tawa sabi ni Trigger. Nagsiupuan sila sa sala ko.
"Hahaha dito naman kami. Ang ganda ng condo mo ah! Malaki! Big time na big time hahaha" pangaasar na sabi ni Harry, sabay bukas ng Can Beer.
"Hahahah gusto mo ba ng kasama dito? Pwede ako! Hahaha" pabirong sabi ni Ryan.
"Hahaha nako! Wag mong payagan yan dito. Mas maggulo pa yan kesa saamin" asar na sabi ni Trigger.
"Hahahah hindi talaga!" Paasar kong sabi.
"Hahaha magbihis ka muna! Wag mong idisplay yang abs mo!" Utas ni Harry sabay tapon ng unan.
"Hahaha inggit ka lang! Wala ka kasing ganyan!" Pangaasar na sabi ni Ryan!
"Hahaha meron ako!" Sabay angat ng damit nya. Sira ulo talaga mga to!
"Hahaha Oo na!" Sabay suot ko ng tshirt.
Gabi na nung umuwi ang tatlong ninja turtles, lasing na lasing si Ryan at Harry. Si Trigger naman, kaya nya pa raw ang sarili nya, ihahatid nya na lang raw yung dalawa, baka raw magsusuka pa sila dito sa condo ko. Asaran at tawanan lang ang ginawa nila dito, pero kahit ganun masaya ako kasi kahit wala man akong buhay pagibig, sila at ang pamilya ko, sapat na para maging masaya. Hindi narin ako umaasa, kasi alam ko sa sarili ko na kontento na ako kahit ganito, kasi alam ko rin naman na hindi na rin ako magtatagal kahit hindi pa naman malala sakit ko, kahit gusto ko man rin sumaya, kaso takot at ayaw na nitong puso ko, kasi mabibigo nanaman sya, parang hindi na rin nga ata titibok eh.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
Fiction généraleIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.