Rianne's POV
Bigla kong naramdam ang pagkahawak sakin ni Dustin sa magkabilang pisngi, napatigil at nagulat ako sa ginawa nya, pinunasan nya ang mga nakatakas kong luha.
Geez. Bat parang naninigas ang buong katawan ko? Mga tingin nyang nakakalusaw, ilang segundo kami nagkatitigan. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko sa ginawa nya.
Nakita kong ngumiti sya. May gats! Masyado na syang gwapo, ang mga ngiti nya, ang perpektong hugis ng mukha nya, mga mapupungay nyang mata, matangos nyang ilong.
"Nasasaktan ka pa rin pagnakikita sya?" Aniya. Sabay tanggal ng dalawang kamay nya. Binawi ko agad ang tingin at tumingin sa malayo. Nahihiya ako sa pagtitig sa kanya.
Ilang segundo pa bago ako nagsalita.
"Pangit ba ako? Mahirap ba akong mahalin? Sob*" utas ko pero masyado na talagang epal ang mga luha ko. Nasasaktan ako kapag naiisip ko ang mga nangyari saakin noon at ngayon. Mga taong minahal ko at walang alam kung di iwan ako.
"Hindi ka panget! Bulag sya para hindi makita ang ganda mo, hahaha" sabay halakhak nya. Taena! Pagtatawanan ba naman ang ganda ko? Uhg! Pinalo ko sya ng malakas sa braso. napangiwi sya.
"Aray! Napakahilig mong mamalo! Hahaha. Pero seryoso na, hindi ka panget, maganda ka. Lahat ng ginawa ng diyos sa atin ay maganda. Mahirap mahalin? I don't think so, bobo sya para hindi maramdaman yun." Seryoso nyang sabi. Tagos hanggang buto ang titig nya. Bumilis lalo ang pintig ng puso ko. Shemas! Ano ba to! Masyado ko na ata dini-dibdib ang mga sakit na nararamdaman sa puso ko.
"Napakalaking tanga ko!" Utas ko sabay punas sa mga nangingilid na luha.
"Sila ang tanga para hindi makita ang kahalagahan mo Gail." Aniya.
"Napapagod na ako. Tara na nga!" Utas ko. Gusto ko munang umalis.
"Saan?" Aniya.
"City of Fun tayo!" Utas ko. At naglakad na kami papunta sa sakayan ng mga taxi.
"Teka! May classe pa tayo!" Aniya sabay hila saakin. Pero bigla kong binawi ang kamay ko.
"May clase ka pa? Okay, ako na lang. Hindi na muna ako papasok. Sige, bye." Wala sa sarili kong sabi. Tatalikod na sana ako ng magsalita sya.
"Wait here! Kukunin ko lang ang sasakyan ko." Utas nya sabay talikod at naglakad ng mabilis. Wala na rin akong nagawa kundi ang hintayin sya.
Ilang sandali lang, na bigla ako sa pagbusina ng isang sasakyan, dumating na sya. Pagpara nya sa harap ko, sumakay na ako.
"Hindi ka ba papasok?" Utas ko sabay sulyap sa kanya.
"Hindi na, mas importante ang samahan ka, baka kung mapano ka pa! Oh baka magpakalasing ka nanaman ng walang kasama!" Seryoso nyang sabi. Uminit nanaman bigla ang mukha ko sa sinabi nyang 'mas importante'. Ibig sabihin importante pa ako? Hindi! Kasi nga we're like bestfriends na kahit na hindi pa kami ganun katagal.
"Wag ka mag alala. Gusto ko lang kasi maglibang, okay lang naman kahit mag isa ako." Utas ko. Nakakahiya naman kasi naabala ko pa sya.
"No. I insist." Nakangiti nyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at Ngumiti ako ng patago.
Pagkatapos nun wala na uli kami umiimik. Naisip ko nanaman kasi ang mga heartaches na biigay nila sa'kin. Haaay... ang sakit sakit magpakatanga eh. Ilang minuto lang dumating na kami sa City of Fun. Bumili na sya ng ticket. Sya na ang bumili, gusto nya eh.
"Oh? Mauubos ba natin yan?" Gulat kong tanong, isang plastik kasi ang bitbit nya ng token.
"Hahah para makalimutan mo ang araw na to! Dun lang ako sa may mga upuan." Aniya sabay turo sa may mga benches.
"Huh? Hindi mo ba ako sasamahan?" Taka kong tanong, tss so ibig sabihin uubusin ko to? Wtpuff! Puro kasi to pang games walang pang rides.
"Hahaha hindi na. Puntahan mo na lang ako pag tapos ka na." Nakangiti nyang sabi sabay tulak ng mahina at nagwave. Praning talaga!
Naglakad na ako para simulan na ang mga gusto kong laro. Una kong nilaro ang Hamer head, pinukpok ko ito ng malakas, mukha kasi ni Andrew ang nakikita ko, para ngang sisirain ko na to. Uhg! Potek! Hayup ka! Walang hiya! G*go ka! Pag mumura ko sa isip ko.
Nung game over na, ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako. Grabe! Napagod ako dun ah! Nawalan ng lakas ang katawan ko, halos buong lakas ko binigay ko na sa pagpalo.
Sunod nilaro ko ang basketball. Ilang rounds kong nilaro ito, sunod naman nilaro ko ang race car, na-enjoy ako sa race. Naisipan kong maglaro ang baril barilan, sobra kong na;enjoy ang mga nilaro ko, halos pa ubos na ang token ng hindi ko man lang namalayan. Nung nakaramdam na ako ng pagod at gutom, bumalik na ako sa pinag usapan namin ni Dustin, nung natanaw ko na sya, nakita kong may tatlong mga babae sa tabi nya, parang nagpapapansin sila kay Dustin. Pero si Dustin naka saksak lang ang earphones sa tenga nya. Hindi nya napapansin ang mga kitikiting babae sa tabi nya. Ang haharot talaga! Agad akong lumapit kay Dustin. Nakita kong tumingin sya saakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.