CHAPTER TWENTY FOUR

3 0 0
                                    


Nikki's POV

Gawwd! Ano ang nangyayari sa kanila! Ewan ko! Ito din si Rianne! Alam nya naman na ganito na kami simula nung sinaktan sya ni Andrew! Tsk! Eto naman si Jess, syempre naman sino naman hindi maiirita? Wala pa syang sinabing maganda dun sa Andrew na yun! Wala akong pinapanigan kasi pareho ko silang bestfriends eh kaso tinaboy ako ni Rianne, tinawag naman ako ni Jess.

"Jess sana hindi mo na lang pinatulan." Utas ko habang sumasakay na kami sa taxi.

"Hindi patulan? Narinig mo naman ang sinabi nya diba?" Irita nyang sabi. Madilim na ang aura nya.

"Oo pero sana intindihin na lang natin sya kasi alam mo naman mahal nya talaga yun!" Pagpapaliwanag ko, hindi sila nagkaintindihan dahil sa init ng ulo nila. Haay...

"Oo ako na ang mali! Intindi? Fine! Simula ngayon wala na syang maririnig sakin! Bahala sya sa buhay nya! Magsama sila!" Inis nyang sabi. Sa boses nito galit na galit sya.

"Hindi ko sinabi na mali ka, walang mali sa inyo! Hindi lang kayo nagkaintindihan kaya kayo ganun!" Pagpapaliwanag ko, maliit na problema, pinalaki pa! Tsk

"Sa sinasabi mo, ako ang mali! Kaya bakit mo pa iibahin! Pasensya! Wala nga kasi akong alam!" Irap nyang sinabi. Haaay nako! Baka kami din ito ang hindi magkakaintindihan. Tumahimik na lang ako, ayoko na pati kami mag aaway.

Bzzzt... Bzzzt Bzzzzt...

Agad kong kinuha ang cellphone ko, para tignan kung sino, baka si Rianne.

Ryan's Calling...

Huh? Si Ryan? Bakit naman? Agad kong sinagot.

"Ah, Hello Ryan?" Utas ko.

"Ahmm... Saan ka? Heheh" pacute nyang sabi. Hahah nakikita ko na sa mukha neto!

"Hm? Pauwi na. Bakit naman?" Pagtataka kong sagot ko.

"Ah eh.. Heheh ano kasi, pwede bang i-invite kayo mamayang gabi? Birthday kasi ni Trigger, nagyaya sya sa T's Bar." Utas nya, parang wala ako sa mood kasi. Gusto muna samahan tong si Jess.

"Uhm ano kasi Ry, may pupuntahan kasi kami ni Jess eh. Next time na lang siguru." Pagrarason ko. Sayang! Mukhang masaya pa naman sana! Kung okay kami ngayon edi sana tatlo kaming maghahappy happy kasama nila.

"Ah ganun ba? O sige, heheh" utas nya, parang nalungkot ata. Pero hindi ko rin kasi pwedeng iwan tong si Jess, wala syang kasama sa bahay, may pinuntahan kasi ang mama at kapatid nya.

"Sorry talaga Ry ha? Promise next time." Utas ko, siguru sya lang walanh dalang kapartned kaya ini-invite kame, si Harry kasi playboy daw yun kaya hindi mahirap makahanap sya ng kapartner! Si Trigger may girlfriend naman. Eh itong si Ryan mahina raw sa chiks kaya nagulat nga raw sila nung nalaman nila na may nililigawan na pala. Nako! Subukan nya lang maghanap ng ibang partner dun, ibabusted ko sya!

"Nako! Wag kang magsorry, hehehe okay lang." Tawa nyang sabi.

"Salamat ah? Sigi, ibaba ko na ah? May gagawin pa kami" pagrarason ko na lang.

"Ah sige. Ingat ka" paalam nya, saka binaba ko na. Andito na rin kasi kami ni Jess sa bahay nila, nagbayad at bumaba na kami.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon