CHAPTER TWENTY NINE

5 0 0
                                    


Rianne's POV

Minulat ko ang mata ko ng dahan-dahan, para kasi ang bigat ng mga pirik mata ko, sa una medyo blury pa, pero nung minulat ko na ito ng maayos. Teka?... Asan ako? Bigla akong napabaligkwas ako at- araaay! Bat ang sakit ng ulo ko?

"Uhggg" utas ko, napahawak ako sa ulo ko, parang pinukpok ako ng bato sa sobrang sakit.

"Masakit ba?" Bigla akong nagulat sa nagsalita sa likod ko. Agad akong lumingon sa taong nagsalita. Nakidnap ba ako?

"S-sino ka?" Utal kong sabi, bakit ako nandito? Kidnaper? Holdaper? O... Teka! Agad akong napayakap sa sarili ko! Rapist?

"Hey! Alam ko yang iniisip mo! Hindi ako masamang tao! Wala akong ginawa sayo!" Gulat nyang pagpapaliwanag. Agad kong chineck ang sarili ko, baka may ginawa itong hindi ka aya-aya! Pano kasi! Bat ako napunta dito, nung nakahinga ako ng maluwag, kasi mukhang okay naman ako, agad ko syang tinignan ng matalim.

"Eh sino ka? Bat ako nandito? Anong gingawa ko dito? Paano ako napunta dito? Asan ako?" Dire-diretso kong sagot. Pano naman kasi! Ang huli kong natatandaan naglalasing ako sa loob ng bar, tapos kausap ko ang bartender. Pagkatapos nun... Bat wala akong matandaan? Agad ko syang tinignan na nakataas ang isang kilay.

"Ano? Bat hindi ka nagsasalit? Sino ka?" Galit kong sabi.

"Pano ako magsasalita kung ang dami mong tanong? Tss. Nakita kita duon sa barcounter, nagpapakalasing halos maubos na ang mga alak dun sa counter! And hindi ko alam kung matapang ka lang talaga oh hindi ka lang nagiisip para magpakalasing ng magisa! Hindi ka man lang natakot! Mag pasalamat ka nga dapat sakin kasi kung hindi dahil sakin siguru hindi ka na makakauwi! Muntik ka pa ngang iuwi ng isang lalaki!" Irita nyang sabi. Napahiya ako ng konti. Ganun? Muntik na pala ako iuwi ng sino? Pano kapag masama yun? Oh my gosh! Pero napahiya ako kaya hindi ko ipapahalata, inis ko din syang tinignan.

"Ganun ba? Edi sana hinayaan mo na lang ako! Yan tuloy! Nagka utang na loob na lang ako. Tss" inis kong sabi. Nakita kong tinaas nya ulit ang kilay nya.

"Dapat magasalamat ka nga eh! Alam mo bang sinukahan mo ang kotse ko?" Irita nyang sabi. Huh? Sinuka ko? Agad kong tinignan sa ilalim ng paa ko, ayy Oo nga! Ang tanga! Pagkatapos eto pa ang igaganti ko? Tss. Ang tanga mo naman Rianne.

"Ah ehh. Sorry. Thank you nga pala. Sige." Sabay baba ko na sa kotse at saktong may dumaan na taxi, agad kong pinara, at sumakay na. Ang laking kahihiyan ang ginawa ko. Ang tangaaaa lang. Lagot na ako kay mama. Hindi ako umuwi kagabi. Patay!!!

Mga ilang oras nakarating na rin ako sa bahay, dali-dali kong binuksan ang gate at pinto. Wala na ata si mama dito. Pagkapasok ko, dali-dali akong umakyat ng...

"Rianne Gail??" Patay! Si mama andito pa? Lumingon ako at nakita ko si mama na naka cross arm. Magkasalubong ang kilay nya, madilim ang aura nya. Galit ito! Rianne! Rason! Gumawa ka ng rason! Anong rason? Gawdd utak gumana ka!! Alam kong tumawag na rin yan sya kila Jess. Kaya hindi ko na sila magagamit sa excuse ko.

"Ah Ma?" Bati ko ng nakangiti.

"Saan ka ng galing? Bat ngayon ka lang umuwi? Gawain ba yan ng disenteng babae? Ha?! Ni hindi ka nagsabi na hindi ka uuwi! Tinatawagan kita hindi ka sumasagot!" Galit nyang sabi.

"Ah ano kasi Ma..." Gawdd! Anong sasabihin ko?

"Bat ganyan ang itsura mo? San ka galing? Tinatanong kita Rianne!! Oh baka gusto mo pa iparating ito sa papa mo?" Oh nose! Hindi pwede! Siguradong gyera to!

"Ah Ma. Ma! Wag po! Ano kasi nanggaling po ako sa party ng leader namin. Hindi na ako nakatawag kasi lowbat phone ko, eh sakto po wala ako dalang charger ma." Pagmamakaawa kong sabi. Sana mailusot ko! Sana mabenta ko pa ang rason ko. Uhg pag nalaman kasi ng papa ko, siguradong uuwi yun dito. Crap!

Napakamot ako ng ulo. Anong ba tong nagawa ko. Tss. Problema talaga to.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon