Rianne's POV
School fest.
Pumasok na ako sa school at wala naman class ngayon kasi School fest na namin. Ilang weeks ko na rin hindi nakikita si Dustin, simula nun sa party. Ewan ko ba dun, text ako ng text, tawag ako ng tawag di naman ako sinasagot nun. Tsk!
"Oh? Anong yang mukha mo? Hahah" bungad saakin ni Nikki.
"Huh? Edi mukha!" Sarcastic kong sagot.
"Hahahaha alam mo, nakakahalata ka na eh! This past days, lagi ka ng nakatulala lang, panay tingin sa phone, tahimik. Whats with you ba?" Aniya.
"Hmm. Wala lang! Wala naman masama diba?" Utas ko sabay lagay ng kamay sa baba ko.
"Meron! Alam mo Rianne, pag kasi kinikimkim mo yang nararamdaman mo, hindi mo na mamalayan unti unti ka na pa lang sumasabog." Aniya. Napaisip ako sa sinabi nya.
"Huh?" Utas ko. Naguluhan ako sa sinabi nya.
"Ibig nyang sabihin, bakit ang hirap mong paaminin na gusto mo na si Dustin!" Biglang singit ni Jess. Napaawang ang bibig ko. Gusto? Gusto ko na ba talaga si Dustin?
"Pano ko ba malalaman na gusto ko na sya?" Taka kong tanong. Hindi ko kasi masabi sa sarili ko dahil wala akong assurance sa nararamdaman ko.
Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama sya, lumalakas ang tibok ng puso ko, yung tipong gusto nya ng lumabas at pumunta kay Dustin, pag wala sya hinahanap ko sya, hindi ako makatulog pag katext sya, minsan ngumingiti ako ng mag-isa. Dahil sa kanya nakakalimutan ko na ang sakit na nadulot ng nakaraan ko. Hindi ko na ata sya gusto, mahal ko na ata sya!
"Ikaw lang makakasagot nyan!" Nakangiting sabi ni Nikki.
"Mga friends, mahal ko na ata sya!" Seryoso kong sabi.
"Wwwwwaaaaaaahhhhh!!!" Paghihisterical ni Nikki, sabay yugyog sa magkabilang balikat ko.
"Aaray Nikki! Hahaha" pagrereklamo ko.
"So ano na?" Excited nyang tanong.
"Anong ano na?" Taka kong tanong.
"Make a move ka na! Alam mo naman na pihikan yun! Pag kasi pareho kayong hindi magka aminan walang mangyayari!" Utas ni Nikki.
"Ano ka! Hayaan mo nga yung lalake ang umamin! Tss." Iritang sabi ni Jess.
"Hay nako! Wag kang makinig dyan kay Jessica! Sya nga tong walang kalovelife lovelife!" Pangaasar na sabi ni Nikki sabay halakhak.
"Hindi ko na nga nakikita si Dustin eh." Malungkot kong sabi. Wala na akong balita, pag tinatanong ko kay Harry o Ryan, hindi rin raw nila alam. Tss. Minsan iniisip ko baka iniiwasan nya na ako, baka nahalata nya na may nararamdaman na ako sa kanya.
"Ganun? Hanggang ngayon? Mag 3 weeks na ah? Dati rati walang araw na hindi kayo magkasama ah? Anong nangyari dun?" Utas ni Jess.
Oo nga, tama nga si Jess. Nakakawalang gana pumunta ng school. Wala naman din kasi classe eh."Baka busy lang kaya hindi sya nagpaparamdam." Utas ni Nikki. Nagbuntong hininga na lang ako. Pagmagkita na kami itatanong ko talaga kung bakit hindi sya nagpaparamdam. Nakakainis sya!
"Oh sige na! Alis na ako, marami pa akong gagawin sa student council office. See you friends" paalam ni Jess sabay lakad na, nag wave na kami ni Nikki.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.